Ponema
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kinakailangang isulat muli ang artikulong ito. Pag-usapan ang mga pagbabago sa pahina ng usapan. |
Sa wikang nasasalita, ang ponema ay ang pundamental, teoretikong yunit ng tunog na nakakabuklod ng salita. Nakakabuo ng ibang salita kapag pinapalitan ang isang ponema nito.
[baguhin] Ponemang Malayang Nagpapalitan
Sa Filipino, may mga tunog (ponema) na malayang nagpapalitan. Sa pagkakataon na ang ponema ay malayang nagpapalit, ang baybay ng salita ay nagiiba ngunit hindi ang kanilang mga kahulugan.
Halimbawa:
e at i
1. lalake at lalaki
2. babae at babai
ang e at i sa salitang "lalake" at "lalaki" ay mga ponemang malayang nagpapalitan.
Karagdagang halimbawa:
d at r
1. mariin at madiin
2. marumi at madumi
ang d at r sa salitang "marumi" at "madumi" ay mga ponemang malayang nagpapalitan.
Ang gamit ng ponemang malayang nagpapalitan ay mahalaga sa pagpapadulas ng mga salita at pagpapabilis ng komunikasyon. Kadalasan ding ginagamit ang ponemang malayang nagpapalitan upang bigyan diin ang mga salitang nagiiba ang tunog depende sa lugar. Kung matatandaan sa ibat ibang pulo ng Pilipinas, iba iba ang dayalekto (o diyalekto, ang a t i sa salitang "diyalekto" ay ponemang nag papalitan).
[baguhin] Ponemang Suprasegmental
4 na ponemang suprasegmental:
- tono (pitch)- ito ay tumutukoy sa pagbaba at pagtaas ng pantig sa isang salita.
- haba (length)- ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig ng isang pantig.
- diin (stress)- ito ay tumutukoy sa lakas ng bigkas ng pantig.
- antala (juncture)- tumutukoy ito sa pansamantalang pagtigil ng ating ginagawa sa pagsasalita.