See also ebooksgratis.com: no banners, no cookies, totally FREE.

CLASSICISTRANIERI HOME PAGE - YOUTUBE CHANNEL
Privacy Policy Cookie Policy Terms and Conditions
Nasugbu, Batangas - Wikipedia

Nasugbu, Batangas

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Bayan ng Nasugbu
Lokasyon
Mapa ng Batangas na nagpapakita sa lokasyon ng Nasugbu.
Mapa ng Batangas na nagpapakita sa lokasyon ng Nasugbu.
Pamahalaan
Rehiyon CALABARZON (Region IV)
Lalawigan Batangas
Distrito Unang Distrito ng Batangas
Mga barangay 42
Kaurian ng kita: Unang Klase na bayan
Pagkatatag Enero 31 1947
Alkalde Hon. Rosario M. Apacible
Opisyal na websayt http://www.nasugbu.gov.ph/
Mga pisikal na katangian
Lawak 276.33 km²
Populasyon

     Kabuuan (2000)      Densidad


96,113
348/km²
Coordinate 14:05:51N (14.0975) latitude and 120:35:56E (120.5988) longitude

Ang Bayan ng Nasugbu ay isang Unang Klase na bayan sa lalawigan ng Batangas, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, may kabuuang populasyon itong 96,113.

May mga ilang mga bus ang bumibiyahe mula at patungong Nasugbu. May mga dyip din na na bumibyahe mula sa Lungsod ng Tagaytay at umaalis ng punuan. Sa loob ng bayan, ang tricycle ang pangunahing transportasyon ng mga tao dito.

Ang lokal na pamahalaan ay nagtutulak na gawing lungsod ang bayan, na maaaring magdala ng mas marami pang-industriya sa bayan.

Mga nilalaman

[baguhin] Pinagmulan ng Pangalan

Ang Bahay Pamahalaan ng Nasugbu, Batangas.
Ang Bahay Pamahalaan ng Nasugbu, Batangas.

Ayon sa alamat, may pangkat ng mga Kastilang sundalo ang pinayagan ng kanilang pinuno na mamasyal sa mga nayong may mga mababait na tao sa kanlurang bahagi ng Batangas. Napapadpad ang pangkat anito sa isang mag-asawang katutubo na nagsasaing ng bigas sa isang palayok kung saan ang takip ay tumutunog dahil sa kumulong sinaing. Tinanong ng mga Kastila sa wikang Espanyol ang babae, -- ¿Como se llama este pueblo? (Ano ang tawag sa lugar na ito?), sumagot naman ang babae at sinagot niya ito ng Nasubo na po iyan eh, kaya ganyan, sa pag-aakalang ang tinatanong ay tungkol sa kanyang sinaing. Inulit ng mga Kastila ang salitang "nasubo" at tumango sa kanyang mga kasama, at sinabi ang salitang iyon sa kanila. Doon nagsimulang tawagin ang nayon sa pangalang iyon. Subalit kahit walang dokumentong magpapatunay sa alamat, ito naman ang karaniwang maririnig kapag tinanong kung saan nanggaling ang pangalan ng bayan.

[baguhin] Demograpiya

Karamihan sa mga tao sa Nasugbu ay mga Tagalog. May mga Bisaya din sa mga Barangay Wawa at sa ibang mga barangay. Pangunahing sinasalita dito ang Wikang Tagalog, at may unting nagsasalita ng Wikang Cebuano. Dahil din sa kaugnayan ng bayan sa kasaysayan, may maliit na bilang ng mga mag-anak na nagsasalita ng Wikang Kastila. Karamihan sa mga nakapag-aral ay nakakapagsalita din ng Ingles.

Karamihan sa mga Nasubugueños ay Katoliko, ngunit kahit na magkahiwalay ang simbahan at ang pamahalaan, ang pistang bayan tuwing Disyembre 3 ay isang holiday.

[baguhin] Heograpiya

[baguhin] Topograpiya

Ang bayan ay nasa 14:05:51Hilaga (14.0975) latitude at 120:35:56Silangan (120.5988) longitude. Naghahanggan ang bayan ng Nasugbu sa mga bayan ng MaragondonMagallanes at Alfonso sa hilaga, sa lalawigan ng Cavite. Sa silangan naman ay ang mga bayan ng Laurel, Calaca at Balayan; sa timog ay ang mga bayan ng Lian at Tuy; at naghahanggan naman ito sa Timog Dagat Tsina sa kanluran. Ito ang pinakamalaking bayan sa kanlurang Batangas na may kabuuang sukat na 276.33 km².

Kapag pumunta sa bayan gamit ang pambansang lansangan, madadaan dito ang mga lupang sakahan ng tubo, mais at bigas, mga burol at kabundukan. Ang lupain ang dumadalisdis pababa patungong Timog Dagat Tsina. Dahil sa kaurian ng lupa at kalapitan nito sa tabing dagat, agrikultura (tubo, bigas, mais, gulay, niyog, prutas) at pangingisda ang pangunahing industriya ng Nasugbu.


Ang layo nito mula sa Kalakhang Maynial ay nasa 102 kilometro kung ang daan ay sa Lungsod ng Tagaytay. Mula naman sa Lungsod ng Batangas (Sa Kapitolyo ng lalawigan), ang layo nito ay 70 kilometro.


[baguhin] Mga Barangay

Ang Nasugbu ay nahahating pulitikal sa 42 na barangay. Ang 12 barangay na nasa Poblacion ay nauring Urban, at ang iba ay nauring rural.


  • Aga
  • Balaytigui
  • Banilad
  • Barangay 1 (Pob.)
  • Barangay 2 (Pob.)
  • Barangay 3 (Pob.)
  • Barangay 4 (Pob.)
  • Barangay 5 (Pob.)
  • Barangay 6 (Pob.)
  • Barangay 7 (Pob.)
  • Barangay 8 (Pob.)
  • Barangay 9 (Pob.)
  • Barangay 10 (Pob.)
  • Barangay 11 (Pob.)
  • Barangay 12 (Pob.)
  • Bilaran
  • Bucana
  • Bulihan
  • Bunducan
  • Butucan
  • Calayo
  • Catandaan
  • Kaylaway
  • Kayrilaw
  • Cogunan
  • Dayap
  • Latag
  • Looc
  • Lumbangan
  • Malapad Na Bato
  • Mataas Na Pulo
  • Maugat
  • Munting Indang
  • Natipuan
  • Pantalan
  • Papaya
  • Putat
  • Reparo
  • Talangan
  • Tumalim
  • Utod
  • Wawa

[baguhin] Klima

Ang Klima ng Nasugbu ay nasa ilalim ng Unang uri ng Klima ng Pilipinas, Type I, na nangangahulugan na may dalawang uri ng panahon: Tagtuyot mula Nobyembre hanggang Abril at Tag-Ulan sa nalalabing mga buwan.

Ang taunang temperatura ng bayan ay nasa 27.3 sentrigrado. Ang buwan ng Enero ang pinakamalamig na may 25.8 sentigrado, samantalang ang Abril naman ang pinakamainit na buwan na nagtala ng temperatura na 29 sentrigrado.

[baguhin] Ekonomiya

Dahil sa Presedential Decree 1520, inihayag ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang ibang bahagi ng bayan bilang isang potensyal na lugar panturista. At mula noon, nagkaroon ang Nasugbu ng industriya sa turismo na mas kilala dahil sa kanyang mga beaches. Bago pa man ang Boracay at iba pang mga sikat na lugar bakasyunan, ang Nasugbu ay isa sa mga bayang dinarayo tuwing Mahal na Araw at iba pang okasyon. Ang kalapitan nito sa Maynila ang nagiging dahilan kung bakit popular at pinipili pa rin itong bakasyunan.

Ang iba pang mga kaganapang pang-ekonomiya ay ang pagpapa-unlad sa industriya ng agro-industrial sa pagbubuo ng mga lansangan mula sakahan tungong palengke, feed mills, pagawaan ng karne at hayupan. Ang isa pa ay ang pag-hihikayat sa mga mamumuhunan, lalung-lalo na ang mga kumpanya ng kompyuter, at magpatayo ng mga liwasang pang-teknolohikal.

Ngunit habang ang pamahalaan ay hinuhubog ang Nasugbu sa isang lugar na maaaring pamuhunahan, sila din ay seryoso sa pagpapanatili ng natural na kalikasan ng bayan. Maliban sa mga liwasang teknolohikal (Technopark) may mga plano rin na paunlarin ang Wawa Fishing Port bilang sentro ng ekoturismo na itinulad sa Pier 39 sa San Francisco.

ANg Nasugbu rin ang tahanan ng Central Azucarera Don Pedro, ang pinakamalaking tagagawa ng asukal sa bansa, simula nang ito ay humiwalay sa dating Hacienda Luisita sa Tarlac.

Dahil sa pagiging tahanan ng pinakamalaking kumpaya ng asukal sa bansa, hindi maikakaila na ikinabubuhay sa ilang bahagi ng bayan ang pag-gawa ng mga minatamis. Ang bayan ng Nasugbu ay kaisa-isahang bayan sa Luzon na nagsasagaww ng bibingkahan sa mga palengke. May kulang kulang 10 uri ng mga kakanin ang matatagpuan sa Nasugbu.


[baguhin] Edukasyon at Kultura

Ang Paaralang Sentral ng Kanlurang Nasugbu (Nasugbu West Central School) ay ang pinakamalaking Paaralang Elementarya sa rehiyon ng Katimugang Luzon. Ang iba pang paaralang pang-elementarya ay kinabibilangan ng Paaralang Lourdette, Pedagogio, St. Paul, Paaralang Creative Dreams, at ang RB Cordero.

Sa Nasugbu rin matatagpuan ang campus ng Mataas na Paaralan ng State University, na mas kilala bilang Paaralang Apolinario R. Apacible ng Pangingisdaan (Apolinario R. Apacible School of Fisheries). Ito ay dating Pangingisdang Paaralan ngunit isinama na sa Pamantasan. Hanggang sa ngayon, ang mga mag-aaral ng Mataas na paaralan ay dapat pumili sa Pagkukultura ng Isda (Fish Culture), Panghuhuli ng Isda (Fish Capture), at Pagpapanatali sa Isa (Fish Preservation) bilang isa sa mga pangunahing asignatura. Ito ay katimbang din ng mga karaniwan nilang mga asignatura, tulad din ng mga asignatura sa Sining kapag pumasok ka sa isang Paaralan ng Sining.


Ang sistema ng edukasyon bayan ay labis na naayos nang ang ARASOF ay naisama sa Batangas State University. Ngayon, maliban sa mga kursong Pangingisda, ang paaralan ay nagbibigay din ng mga kursong tulad ng Edukasyon at Turismo.

Ngunit kahit maayos na ang sistema ng edukasyon sa bayan, ang kalapitan ng bayan sa maynila ang nagiging dahilan para pag-aralin sa kolehiyo ng mga may-kayang mag-anak ang kanilang anak sa Kalungsuran.

Sa Kultura, ang Nasugbu ay ang tahanan ng AUditorium ng Nasugbu, kung saan madalas ginaganap ang mga gawaing kultural. Ito ang pangunahing teatro ng bayan na nagpapalabas hindi lamang ng mga pagtatanghal panteatro ngunit pati mga konsyerto ng mga sikat na artista at banda.


[baguhin] Kaugnayang Pangkultura at Pangkasaysayan

Sa Nasugbu unang natala ang pinakaunang labanang pandagat sa pagitan ng mga tropang Europeo sa Timog Silangang Asya. Naganap ang digmaan sa Pulo ng Fortune sa kanlurang baybayin ng bayan. Naganap ang digmaan noong Disyembre 14, 1600. Ngunit ang digmaan ay nagtapos ng patas, ang balita tungkol sa digmaan ay umabot sa bawat kabiserang lungsod ng Lumang Daigdig, kaya't ito ay naitala sa kasaysayan.

Natala rin sa kasaysayan na nakatagpo ang isang pangkat ng mga siyentipiko ng isang wooden cow isang taoon bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay agad na pinadala sa Pambansang Museo ngunit di nagtagal dahil sa pinsala ng digmaan. Subalit, isang taon pagkatapos ng digmaan, isang bagong archeological artifact ang nahukay sa kalapitbayan ng Calatagan, na naging pinakamahalagang pre-historic artifact ng bansa.


[baguhin] Kawing Panlabas

Lalawigan ng Batangas Provincial Seal of Batangas
Lungsod Lungsod ng Batangas | Lungsod ng Lipa | Lungsod ng Tanauan
Bayan Agoncillo | Alitagtag | Balayan | Balete | Bauan | Calaca | Calatagan | Cuenca | Ibaan | Laurel | Lemery | Lian | Lobo | Mabini | Malvar | Mataas na Kahoy | Nasugbu | Padre Garcia | Rosario | San Jose | San Juan | San Luis | San Nicolas | San Pascual | Santa Teresita | Santo Tomas | Taal | Talisay | Taysan | Tingloy | Tuy
Distrito Unang Distrito | Ikalawang Distrito | Ikatlong Distrito | Ikaapat na Distrito

Coordinates: 14°04′ N 120°38′ E


aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu -