Michel Bégon
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Michel Bégon de la Picardière(Marso 21, 1667 – Enero 18, 1747) ay isang Pranses na dalubhasa sa larangan ng botanika.[1] Ang kaniyang pangalan ang pinagmulan ng salitang begonya, isang pangalang pang-halaman. Galing si Bégon sa isang pamilyang Pranses na nakapagsilbi sa larangan ng mga batas at hukuman para sa Hari ng Pransya. Ang pagkaka-kasal ng isang miyembro ng pamilyang Bégon kay Jean-Baptiste Colbert ang naging tulay upang magkaroon sila ng mga trabahong pang-hukbong-dagat at pang-pamamahalang kolonyal. Naglingkod si Michel Bégon bilang isang itendante ng Bagong Pransya mula 1712 hanggang 1726. Sumunod sa kaniya si Claude-Thomas Dupuy.[2]
[baguhin] Mga talasanggunian
- ↑ Ibinatay mula sa The Scribner-Bantam English Dictionary, Revised Edition (Ang Diksiyunaryong Ingles ng Scribner-Bantam, Edisyong May-Pagbabago), Edwin B. Williams (general editor [patnugot-panlahat]), Bantam Books (Mga Librong Bantam), Setyembre 1991, may 1078 na mga dahon, ISBN 0553264966
- ↑ Talambuhay sa The Dictionary of Canadian Biography Online (Ang Talahulugan ng mga Talambuhay sa Canada]