Mga Negrito
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay maaring nangangailangan ng pagsasaayos upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito. (Marso 2007) |
Ang mga Negrito sa Pilipinas ang sinasabing unang pangkat na dumating sa kapuluan, may 20,000 na taon na ang nakararaan. Diumano, galing sila sa Borneo at naglakad sa mga tulay na lupa. Nagtungo sila sa Palawan, Mindoro at sa ilang bahagi ng Mindanao.
Ang mga Negrito ay maliliit lamang. Ang taas nila ay umaabot lamang sa apat na talampakan. Maitim ang kanilang balat, pango ang ilong, makakapal ang labi at kulot na kulot ang itim na buhok. Ang kanilang mga gamit ay sumpit, busog at pana at mga kagamitan na yari sa bato.
Pagala-gala ang mga Negrito. Karamihan sa kanila ay tumira sa mga kweba at sa gilid ng mga bundok. May mga pansamantala silang tirahan na yari sa sanga at dahon ng punongkahoy. Palipat-lipat sila ng tirahan upang humanap ng pagkain. Nangunguha sila ng mga prutas, halamang-ugat at anumang halaman na maaaring kainin.