Seattle, Washington
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang lungsod ng Seattle ay nasa estado ng Washington, sa rehiyong Pasipiko Hilaga-Kanluran ng Estados Unidos. Itoay isa sa nangungunang siyudad sa ekonomiya ng buong bansa dahil sa mahalaga niyang kinaroroonan.
Dahil tabi niya ang Dagat Pasipiko, ang Seattle ay daungan ng mga barkong galing sa iba’t ibang lugar sa mundo. Mga produktong galing sa Asia, Europa, at iba pa ang dala ng mga barkong ito, na siya namang ipinamamahagi sa ibang parte ng bansa.