Libya
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
- Tungkol sa Libya na bansa sa Hilagang Aprika ang artikulong ito. Para sa karakter pang-mitolohiya, tingnan: Libya (mitolohiya).
Ang Dakilang Jamahiriyang Popular at Sosyalistang Arabong Libyan (Arabo: الجماهيرية العربية الليبية الشعبية الاشتراكية , al-Dschamāhīriyya al-ʿarabiyya al-Lībiyya asch-schaʿbiyya al-ischtirākiyya; internasyunal: Great Socialist People's Libyan Arab Jamahiriya) ay isang bansa sa Hilagang Aprika, napapaligiran ng Dagat Mediterranean, matatagpuan sa pagitan ng Egypt sa silangan, Sudan sa timog-silangan, Chad at Niger sa timog at Algeria at Tunisia sa kanluran. Tripoli ang kapital na lungsod nito. May tatlong tradisyunal na mga seksyon ang bansa: ang Tripolitania, ang Fezzan at Cyrenaica.
Hinango ang pangalang "Libya" mula sa kataga ng lumang taga-Ehipto na "Lebu", na tumutukoy sa mga taong Berber na nakatira sa kanluran ng Ilog Nile, at nilinang sa Griyego bilang "Libya". Sa lumang Gresya, may malawak na kahulugan ang kataga, sinasakop ng lahat ng Hilagang Aprika sa kanluran ng Egypt, at minsan tumutukoy sa buong kontinente ng Aprika.
|