Friedrich Nietzsche
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Friedrich Wilhelm Nietzsche (Oktubre 15, 1844–Agosto 25, 1900) ay isang lubos na maimpluwensyang Aleman na pilosopo, sikologo, at filologo. Isa siyang matinding kritiko ng Kristyanismo, Utilitaryanismo, idealismong Aleman, romantisismong Aleman, at ng modernidad sa pangkalahatan. Minsang nakikilala si Nietzsche bilang isang Romantikong Pilosopiko, ngunit mabunganga niyang itinanggi ang mga tendensyang Romantiko sa kanyang akda. Madalas siyang kinikilala bilang ang inspirasyon ng eksistensyalismo at posmodernismo, bagaman may di-pagkakasang-ayong may kinalaman sa kung napakahulugan ba siya nang tama ng mga kilusang ito; si Martin Heidegger ang nakikita ng ilan bilang ang mas nakaimpluensya.