Agustin ng Hippo
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Aurelius Augustinus, Agustin ng Hippo, o San Agustin (Nobyembre 13, 354 – Agosto 28, 430) ay isang pilosopo at teologo, at naging obispo ng Hilagang Aprikang lungsod ng Hippo Regius sa kanyang huling kakatlong bahagi ng kanyang buhay. Si Agustin ang isa sa mga mahahalagang pigura sa pagsulong ng Kanluraning Kristiyanismo, at tinuturing na isa sa mga ama ng simbahan. Binuo niya ang mga konseptong orihinal na kasalanan at matuwid na digmaan.