Victoria ng United Kingdom
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Victoria (Alexandrina Victoria; Mayo 24, 1819 – Enero 22, 1901) ay Reyna ng United Kingdom of Great Britain and Ireland (United Kingdom sa ngayon) mula Hunyo 20, 1837, at ang unang Empress ng India mula Mayo 1, 1876, hanggang sa kamatayan noong Enero 22, 1901. Nagtagal ang kanyang pagiging monarko ng 63 taon at pitong buwan, na mas matagal sa kahit na sinong monarkong Briton. Sa pangkalahatan, tinatawag na kapanahunan ni Victoria (Victorian era) ang panahon na nakasentro sa kanyang pagiging reyna.