Sistemang reproduktibo
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang sistemang reproduktibo o sistemang panuplingan o sistemang pasuplingan ay isang katipunan at ugnayan ng mga organo at/o sustansiya sa loob ng isang organismo na mahigpit na tumutukoy sa reproduksiyon[1] o pagpaparami[1] ng isang uri. Bilang halimbawa, kinabibilangan ito, sa kaso ng mga kababaihang mamalya, ng hormong estrohen, itlog, sinapupunan, puke, at mga suso. Kabilang rin dito ang mga gamete.
[baguhin] Mga talasanggunian
- ↑ 1.0 1.1 "Reproduksiyon, pagpaparami, pag-aanak". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).
[baguhin] Tingnan din
- Mga pangunahing sistema sa katawan ng tao
- Kasangkapang pangkasarian
- Pangalawang katangiang pangkasarian