Sistemang pang-ihi
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang sistemang pang-ihi o sistemang yurinaryo (Ingles: urinary system) ay isang organong pang-sistema na lumilikha, nag-iimbak, at nagtatapon ng ihi. Sa tao, kabilang rito ang dalawang mga bato (anatomiya), dalawang mga ureter, ang pantog, at ang urethra. Ang nephidrium ang siyang katumbas na organo nito sa mga invertebrata.