Sistemang muskular
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang sistemang muskular o pamamaraang pangsangkalamnan ay ang sistemang biyolohikal ng isang organismo at siyang nagpapagalaw sa organismong ito. Napapamahalaan ang sistemang muskular ng mga vertebrata sa pamamagitan ng sistemang nerbiyos, bagaman may ilang mga masel (na katulad ng masel na pampuso) na sadyang may kakayahang magsarili o kumilos mag-isa (may awtonomiya).
[baguhin] Mga masel
- Pangunahing artikulo: Masel
May tatlong uri ng mga masel: masel na pambuto, masel na pampuso at makinis na masel.