Reggie Bush
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Reggie Bush | |
---|---|
Reggie Bush sa 2004 national championship selebrasyon ng USC. |
|
Date of birth | Marso 2, 1985 |
Place of birth | San Diego, California |
Height | 6 ft 0 in (1.83 m) |
Weight | 203 lb (92 kg) |
Position(s) | RB, KR, PR |
College | Southern California |
NFL Draft | 2006 / Round 1 / Pick 2 |
Career Highlights | |
Awards | 2005 Heisman Trophy 2005 Walter Camp Award 2005 Doak Walker Award |
Honors | NFL Rookie of the Month (December 2006) |
Stats | |
Statistics | |
Team(s) | |
2006-present | New Orleans Saints |
Reginald Alfred “Reggie” Bush II (ipinanganak Marso 2, 1985 sa San Diego, California), may palayaw na “The President,” na may patama sa presidente ng Amerikang si George W. Bush, ay isang manlalaro ng American football na naglalaro sa koponang New Orleans Saints at datihang taga University of Southern California (USC) Trojans. Naglaro siya sa posisyong Running Back/Tailback, Wide Receiver, Kick Returner, Punt Returner. Noong Disyembre 8, 2005, pinarangalan si Bush ng Walter Camp Award at ng Doak Walker Award. Noong Disyembre 10, napanalunan ni Bush ang Heisman Trophy. Kanyang tinalo sina Vince Young at datihang awardee ng Heisman at kakoponan ni Bush na si Matt Leinart. Karagdagan doon, tinanghal siyang 2005 AP Sportsman of the Year.
Noong Enero 12, 2006, isinantabi ni Bush ang kanyang ikatlong taong paglalaro sa USC at siya’y sumali sa NFL draft. Hinulaan sa mga sumusuri ng draft na siya ang mauunang piliin sa NFL Draft, sa Houston Texans. Subalit bago pa man nagsimula ang drafting, kinuha na ng Texas si Mario Williams, isang defensive end mula sa North Carolina State. Pinili ng New Orleans Saints si Bush gamit ang kanilang #2 pick sa draft.[1]
Noong Abril 23, 2006, isang ulat ang naglabas ng mga katanungan ukol sa pagtanggap diumano ng pamilya ni Reggie Bush ng mga regalo – isang malinaw na bayolasyon sa alituntunin ng NCAA. Humiling ang eskuwelahang USC ng imbestigasyon ukol sa pangyayari.
Noong Enero 3, 2007, nanalo ng ikalimang pwesto si Reggie Bush sa Associated Press NFL Offensive Rookie of the Year.
Mga nilalaman |
[baguhin] Paunang Kasaysayan
Lumaki si Reggie sa Spring Valley, California isang suburb ng San Diego. Ang tatay niya ay isang opisyal pangkasiguruhan sa paaralan at ang nanay niya ay deputadong sheriff sa county jail. Siya ay pumasok sa Helix High School sa La Mesa, isang suburb ng San Diego. Magaling si Reggie sa football at track. Sa football, siya at ang datihang University of Utah na naging kasalukuyang San Francisco 49ers quarterback Alex Smith, ang siyang unang napili sa 2005 NFL Draft, ay nanguna upang ipanalo ang kanilang koponan sa dalawang sectional championships. Sa track, nanalo siya ng maraming honors at tumakbo ng 100m sa 10.42 seconds noong California state championships. Isang magaling na magaaral, si Bush ay natapos na may 3.8 na GPA at maraming scholarships. Helix High School ay siya ring pinagtapusan ng artistang si Dennis Hopper at ng alamat ng NBA na hall of famer Bill Walton
[baguhin] Takbo ng Karera Noong Kolehiyo
Nag-aral si Bush ng business sa USC.[2] Madalas na nilalagay ni Reggie Bush ang "619" sa ibabaw ng itim na kulay na nilalagay niya sa ilalim ng kanyang mga mata bilang pagparangal sa area code ng gitnang parte ng siyudad ng San Diego / South San Diego county.[3]
Nung kinuha ni head coach Pete Carroll si Bush para sa Southern California, kanyang nakinita si Bush bilang isang five-way threat. Ang freshman ay madaling napatunayan na may angkin siyang talinong magdala, sumalo, magbato at sumipa ng bola. Noong 2003, siya ay napagkasunduang pinili upang maging Freshman All-American first-team selection at nagging unang Trojan mula noong panahon ni Anthony Davis noong 1974 na nanguna sa Pac-10 Conference sa kickoff returns. Ang kanyang 1,331 all-purpose yards ay isang USC freshman record. Ang Pac-10 Newcomer of the Year ng ESPN ay nagtala ng 521 yarda na may tatlong touchdowns at 90 carries noong taon na yaon. Nasalo niya ang labinlimang pasa para sa total na takbong 314 yards (20.9 avg) at tatlong scores at nagtala ng karaniwang 27.3 yarda sa 18 kickoff returns na may touchdown. Ang kanyang numero noong 2003 ay #5.
Datapwa’t di siya nagsimula ng kahit anong laro noong 2004, nagtapos siya ng ikalima sa pagboto sa Heisman Trophy, naging MVP, ng koponan, nanalo ng All-American honors at isa sa nagtapos para sa Walter Camp Player of the Year Award. Natapos siyang ikalawa sa koponan na may 143 carries para sa 908 yards (6.3 avg) at anim na touchdowns, nagdagdag ng 509 yards at 7 scores sa 43 receptions (11.8 avg). Nagbalik ng 21 kickoffs para sa 537 yards (25.6 avg) at 24 punts para sa 376 yards (15.7 avg) at isang pares ng touchdowns. Siya ang unang Trojan mula kay Marcus Allen na nanguna sa Pac-10 para sa all-purpose yardage, at nagkamal ng 2,330 yards. Nagbato siya ng 1 touchdown, at nagpakawala ng 52-yard scoring strike.[2]
Naging makulay ang 2005 para kay Bush. Siya ay naging All-American first-team pick nanalo ng Heisman Trophy. Siya ang naging Associated Press Player of the Year, Pigskin Club of Washington D.C. Offensive Player of the Year, Touchdown Club of Columbus Player of the Year at tumanggap ng Walter Camp Player of the Year Award at ng Doak Walker Award (nation's best running back). Nanguna siya sa Amerika na karaniwang nakakapuntos ng 222.3 all-purpose yards kada laro at nagtapos ng pang-apat sa NCAA Division 1-A ranks na may karaniwang 133.85 yards kada laro rushing.[2]
Pinangunahan ni Bush ang Trojans na may 1,740 yarda sa 200 carries (8.7 avg) at 16 touchdowns at naging ikatlo sa koponan na may 37 receptions para sa 478 yarda (12.9 avg), kasama ang isang pares ng scores nung siya ay junior. Ibinalik niya ang 18 punts para sa 179 yarda (9.9 avg) at isang touchdown habang nagtala ng 493 yarda sa 28 kickoff returns (17.6 avg).[2]
Nagsimula siya ng 15 beses lamang sa 39 na laro ng USC. Subalit naging ika-10 siya sa kasaysayan ng NCAA Division 1-A na may 6,551 all-purpose yards. Natapos siyang may 3,169 yarda at 25 touchdowns sa 433 carries (7.3 avg) at 1,301 yarda na may 13 scores sa 95 catches (13.7 avg). Nagbalik si Bush ng 67 kickoffs para sa 1,522 yards at isang touchdown, bukpd dun may 559 yarda at 3 scores sa 44 punt returns (12.7 avg). Kinumpleto din niya ang 1 sa 3 pasa para sa 52-yardang touchdown.[2]
[baguhin] Propesyonal na Karera
Nang pinili si Bush ng New Orleans Saints sa NFL draft isang kayigatigatig na kasiyahan ang naramdaman ng mga taga-New Orleans. Matapos ang linggo ng draft, nagtala ang Reebok ng lampas 15,000 na order para sa Saints jersey ni Bush, maski hindi pa sigurado ang numerong gagamitin ni Reggie.[4] Hiniling ni Bush sa NFL na magamit noya ang numerong 5 sa kanyang jersey, na ginamit niya noong siya ay haiskul at kolehiyo. Hindi pinayagan si Bush na isuot ang 5 sapagkat ayon sa mga taluntunin ng NFL ang mga running back ay dapat may numerong mula 20 hanggang 49. Nagpasinaya si Fred McAfee at kanyang ibinigay ang numerong 25.
Sa training camp, pinangalanan siyang "Baby Matrix" ni Saints receiver Joe Horn dahil sa halos imposibleng mga pagiwas at pagkilos niya (ito ay isang pasinaya sa pelikulang The Matrix, kung saan ang mga tauhan ay gumagalaw sa mga di-makatwirang bilis at umiiwas sa bala).
Ang rookie season ni Bush ay puno ng lungkit at saya, bagama’t habang lumalaon ang season, mas lalong humihigit ang galing at contribution ni Reggie Bush sa pagwagi ng mga Saints.
Noong Oktubre 8, 2006, umiskor si Bush ng una niyang NFL touchdown[1], isang 65-yard punt return laban sa NFC South rival nilang Tampa Bay Buccaneers – na siyang nagpanalo sa kanilang koponan. Ang touchdown ay nagawa niya sa ika-100 niyang NFL touch.
Sa Nobyembre 12, tumakbo si Bush para sa una niyang touchdown mula sa scrimmage sa isang reverse laban sa Pittsburgh Steelers[2].
Noong Disyembre 3, pinantayan ni Reggie Bush ang record ni Joe Horn na umiskor ng 4 na touchdowns sa laban sa San Francisco 49ers.
Ang Saints ay naitalang nakakuha ang 2nd seed mula sa pagkatalo at pagkabutata nila noong nakaraang season.
Year | Team | G | GS | Rec | Yards | AVG | LG | TD | Att | Yards | AVG | LNG | TD | Total Yards |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
2006 | NO | 16 | 8 | 88 | 742 | 8.4 | 74 | 2 | 155 | 565 | 3.6 | 18 | 6 | 1,307 |
[baguhin] References
- ↑ http://sportsillustrated.cnn.com/2006/football/nfl/specials/draft/2006/04/28/texans.williams.ap/index.html?cnn=yes
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Reggie Bush Draft Profile. FoxSports.com. Nakuha noong 2006-07-21.
- ↑ Maling banggit (Invalid
<ref>
tag; no text was provided for refs namedUnion-Tribune
); $2 - ↑ Halliburton, Suzanne. "Football rookies make a big impact on fans", 2006-05-18. Nakuha noong 2006-07-21.
[baguhin] External links
- Opisyal na Reggie Bush Website
- Reggie Bush Website ng mga Tagahanga
- Reggie Bush Pro Football 2007
- Reggie Bush sa The Internet Movie Database
Sinundan: Matt Leinart |
Heisman Trophy Winner 2005 |
Susunod: Troy Smith |
Sinundan: Cedric Benson |
Doak Walker Award Winner 2005 |
Susunod: Darren McFadden |
Sinundan: Matt Leinart |
Walter Camp Award Winner 2005 |
Susunod: Troy Smith |