Puson
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang puson o tiyan (Ingles: abdomen) ay ang bahagi sa katawan ng tao na nakalagay sa pagitan ng dibdib at ng mga hita at ang kinapapalooban ng mga ureter, mga bituka, atay, panloob na bahagi ng puwit, pantog, apdo, at ng sistemang pasuplingan sa labas ng mga suso.[1] Sa mga tao, at marami pang ibang mga vertebrata, ito ang rehiyon sa pagitan ng thorax at ng balakang (Ang thoracic diaphragm naghihiwalay sa puwang na pang-torako at ng puwang sa puson). Sa may tamang gulang na insekto, ang puson ay ang pangatlo o likurang bahagi pagkaraan ng ulo at thorax.