Pangibabang panga
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang pangibabang panga o mababang panga o mandibula o mandibulo (mula sa wikang Latin: mandibūla, na nangangahulugang "butong pampanga"; sa wikang Ingles: mandible) ay, kasama ng maxilla, ang pinakamalaki at pinakamatigas na buto ng mukha. Binubuo nito ang pangibabang bahagi ng panga at tumatangan sa mga pangibabang mga ngipin.