Pang-uri
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Gayon man, hindi kinikilalang uri ng salita sa pangkalahatan ang pang-uri; sa ibang salita, may mga ilang wika ang hindi gumagamit ng mga pang-uri. Halimbawa, walang pang-uri ang mga wikang Intsik. Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip.
Ang mga pinakakinikilalang mga pang-uri ay iyong mga salita katulad ng malaki, matanda at nakakapagod na sinasalarawan ang mga tao, mga lugar, o mga bagay.
Mga nilalaman |
[baguhin] Pagkayari at uri ng pang-uri sa Wikang Tagalog
[baguhin] Pagkayari
May apat na pagkayari ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:
- Payak - Ito'y binubuo ng mga salitang-ugat lamang. Mga halimbawa: hinog, sabog, ganda
- Maylapi - Ito'y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlaping Ka-, ma-, main, ma-hin, -in, -hin, mala-, kasing-, kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-.
- Inuulit - Ito'y binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita. Mga halimbawa: pulang-pula, maputi-puti, dala-dalawa
- Tambalan - Ito'y binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal. Mga halimbawa: ningas-kugon, ngiting-aso, kapit-tuko
[baguhin] Uri
Ang artikulong ito ay maaring nangangailangan ng pagsasaayos upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito. (Marso 2008) |
May dalawang uri ang mga pang-uri.[1] Ito ay ang mga sumusunod:
- Pang-uring naglalarawan - Nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangalan o panghalip.
- Pang-uring pamilang - Nagpapakita ng bilang ng pangngalan o panghalip.
Uri ng pamilang na pang-uri: 1. Pamilang na patakaran o kardinal - ginagamit sa pagbilang o sa pagsasaad ng dami.
1.1 Kardinal na pamahagi - ginagamit kung may kabuuang binabahagi o pinaghahati-hati. halimbawa: ikaisang bahagi, ikasampung bahagi kalahati (1/2), kanim (1/6)
1.2. Kardinal na palansak o papangkat-pangkat - nagsasaad ng bukod sa pagsasama-sama ng anumang bilang, tulad ng tao, bagay, pook atbp. halimbawa: isa-isa (pag-uulit ng pamilang na patakaran) apatan (paggamit ng panlapin -an o -han) lilima, lalabing-isa (pag-uulit ng pantig) dadala-dalawampu (ganap at parsyal na pag-uulit)
1.3. Kardinal na pahalaga - nagsasaad ng halaga ng mga bagay. halimbawa: mamiso, tig-apat na piso
b. Pamilang na panunuran o ordinal - ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng tao, bagay, hayop, lugar at gawain. May panlapi itong ika- o pang-. halimbawa: una, ikalawa, ikatlo, ikasandaan
[baguhin] Mga sanggunian
Santiago, Alfonso et. al. MAKABAGONG BALARILANG FILIPINO. (2003). REX Printing Comp. Inc. Quezon City.
- ↑ FILIPINO SA HAYSKUL I akda nina Maurita M. Reyes at Revelita F. Laxina