Pambansang Museo ng Lahing Pilipino
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Pambansang Museo ng Lahing Pilipino o Pambansang Museo ng Pilipinas ay ang opisyal na repositoryong itinatag noong 1901 bilang museong pangkasaysayang natural at pang-etnograpiya ng Pilipinas. Dinisenyo ang gusali ng isang arkitektong Amerikanong si Daniel Burnham noong 1918. Ang karatig na gusali, na dating para sa Kagawaran ng Pananalapi sa Agrifina Circle ng Liwasang Rizal (o Liwasang Luneta) ay siya ngayong Pambansang Museo ng mga Pilipino (National Museum of the Filipino People) na nagbabahay sa Dibisyon ng Antropolohiya at Arkeolohiya Division. Kabilang sa mga pag-aaring yaman nito ang bantog na Spoliarium ng makabayang si Juan Luna.