Nancy Carlos
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay maaring nangangailangan ng pagsasaayos upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito. (Marso 2007) |
Si Nancy ay isang mestisang Bisaya na kilala bilang kontrabida subalit di nito naabot ang tugatog na katanyagan na naabot ng kapareho niyang mga nasa Sampaguita na sina Bella Flores at Zeny Zabala.
Isinilang noong 1938, Una siyang nasilayan bilang kontabida sa buhay ni Amalia Fuentes ang Inang Mahal.
Siya rin ang pilit na iwaksi si Rita Gomez sa isipin ni Ric Rodrigo sa pelikulang Diyosa noong 1957.
Siya naman ang pilit umaagaw kay Romeo Vasquez sa buhay ni Susan Roces ang Prinsesang Gusgusin at pilit nirarahuyo ang guwapong si Juancho Gutierrez kay Amalia sa pelikulang Musikal na Pakiusap.
[baguhin] Pelikula
- 1956 - Inang Mahal
- 1957 - Diyosa
- 1957 - Prinsesang Gusgusin
- 1959 - Pakiusap