Mga anyong tubig
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay maaring nangangailangan ng pagsasaayos upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito. (Marso 2007) |
Karagatan - Ang pinakamalaking anyong tubig.
Dagat - Malaking anyong tubig, ngunit mas maliit sa Karagatan
Ilog - Isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. nagmula ito sa maliit na sapa at itaas ng bundok o burol.
Golpo - Bahagi ang golpo ng dagat.
Lawa - Isang anyong tubig na naliligiran ng lupa.
Look - Tinatawag na look ang isang malaking bahagi ng katubigang papasok sa kalupaan.
Bukal - Tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.
Kipot - Isang makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan.
Talon - Bumabagsak na tubig pababa mula sa ilog o sapa na karaniwang nasa mataas na lugar o bundok.
Batis - Ilug-ilugan o saluysoy. Patuloy na umaagos.
Sapa - Maliit na anyong tubig. Kadalasang natutuyo pag tag-init.