Lusitania
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Lusitania ay isang lalawigan ng Sinaunang Roma na sakop ang halos lahat ng modernong Portugal, ang katimugang bahagi ng Ilog Douro, at bahagi ng modernong Espanya (Extremadura at bahagi ng lalawigan ng Salamanca). Hinango ang ngalan ng naturang lalawigan mula sa Lusitani. Ang ulong lungsod nito ay Emerita Augusta, at dati siyang bahagi ng lalawigan ng Hispania Ulterior, bago siya naging sariling lalawigan sa Emperyong Romano.