Kilikili
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang kilikili o kili-kili ay isang bahagi sa katawan ng tao na tuwirang nakapailalim sa ugpungan kung saan kumakabit ang braso sa balikat.
[baguhin] Buhok sa kilikili
Karaniwang tumutubo ang mga buhok sa kilikili ng kapwa mga lalaki at mga babae, simula sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga, subalit mas karaniwan sa ilang mga lipunan na inaalis ng mga kababaihan ang mga ito batay sa mga kadahilanang pangkalinisan, habang hindi inaalis ng mga kalalakihan ang mga buhok na ito.
[baguhin] Sensasyon
Ilan sa mga bahagi ng katawan ng tao na nakadarama ng malakas na kiliti ang kilikili.