Jose Joya
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay maaring nangangailangan ng pagsasaayos upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito. (Marso 2007) |
Si Jose T. Joya ay isang pintor at multimedia artist na nabigyang parangal bilang National Artist in Visual Arts noong 2003. Namulat sa kasanayang traditionalista, lumihis din siya kinalaunan sa paraang kanya. Kilala bilang Abstract Expressionist, ginamit niya ang mga konsepto ng kinetikong enerhiya at spontaneity sa pagpipinta, at naging bihasa sa sining ng gestured painting, kung saan madaliang ipinipinta ang pintura gamit ang malalapad na brush stroke. Maliban sa pagpipinta, hilig din niya ang pagdidisenyo ng mga seramikang sisidlan, mga plato at tiles o baldosa, at print making.