Essen, Alemanya
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
- Tungkol ang artikulong ito sa lungsod sa Alemanya. Para sa lugar na may katulad na pangalan, tingnan Essen (paglilinaw).
Ang Essen ay isang lungsod sa Hilagang Rhine-Westphalia, Alemanya. Matatagpuan sa ilog Ruhr, nakahanay ito bilang ikalawang pinakamalaking lungsod sa lugar ng Ruhr at ikawalong pinakamalaking lungsod sa Alemanya. Populasyon: 586,382 (noong 06.30.2005).
Sa kabila ng laki nito, hindi gaanong kilala ang Essen kumpara sa ibang mga lungsod na may kaparehong laki. Nanatili ang Essen bilang hindi mahalagang agrikultural na bayan hanggang noon ika-19 na siglo, bagaman tinatayang natatag ito noong unang bahagi ng 845. Nagdulot ang pagminina ng karbon at ore ng paglago ng lungsod at ng buong lugar ng Ruhr. Nagmula sa Essen ang pamilyang Krupp; naitatag ang produksyon ng bakal sa kanilang mga gawa noong 1811 sa Essen. Pagkatapos magkaroon ng malakihang pagbabago sa ekonomiya pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mayroon na ngayon ang Essen ng mga mataas na uri ng kolehiyo ng sining, maraming lugar pang-industriya (Zeche Zollverein) at isang malakihang koleksyon ng mga gawang sining (Museo ng Folkwang). Noong Abril 11, 2006 “Essen para sa Ruhrgebiet”, idineklera ang Essen bilang Europeong Kapital ng Kultura ng 2010. Pinagtibay ang pasyang ito ng Konseho ng Kulturang Europeo.