Eliot Spitzer
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulo o bahaging ito ay tungkol sa kasalukuyang pangyayari. Maaring magbago nang mabilis ang impormasyon habang umuusad ang pangyayari. |
Eliot Spitzer | |
Gobernador ng New York Eliot Spitzer |
|
54th Gobernador ng New York
|
|
---|---|
Kasalukuyan | |
Naninilbihan Enero 1 2007 |
|
Lieutenant | David Paterson |
Sinundan si | George Pataki |
72nd Abogado Heneral ng Estado ng New York
|
|
Nanilbihan Enero 1 1999 – Disyembre 31 2006 |
|
Gobernador | George Pataki |
Sinundan si | Dennis Vacco |
Sinundan ni | Andrew Cuomo |
|
|
Kapanganakan | Hunyo 10, 1959 Bronx, New York |
Nasyonalidad | Amerikano |
Partidong pampolitika | Demokratiko |
Asawa | Silda Wall Spitzer |
Mga anak | 3 |
Tirahan | Ehekutibong Mansyon ng Estado ng New York Manhattan, New York |
Alma mater | Pamantasang Princeton Paaralan ng Batas ng Harvard |
Propesyon | Abogado |
Relihiyon | Hudyo (pero sekular, liberal, o hindi-relihiyoso) [1][2][3] |
Si Eliot Laurence Spitzer (isinilang Hunyo 10, 1959) ay isang Amerikanong abugado at politiko ng Partidong Demokratiko. Naglingkod siya bilang Abogado Heneral bago naging Gobernador ng New York noong 2007.
Ipinanganak at lumaki si Spitzer sa Bronx ng Lungsod ng New York. Nag-aral muna siya sa Pamantasang Princeton, at pagkatapos sa Pamantasan ng Harvard para mag-aral ng batas. Sa Harvard niya nakatagpo ang kaniyang magiging asawang si Silda Wall Spitzer, ang nagtatag ng Children for Children, isang hindi-pangkalakal na samahan. Matapos matanggap ang kaniyang titulong Juris Doctor, sumali siya sa kumpanyang pang-abugasyang Paul, Weiss, Rifkind, Wharton & Garrison. Pagkalipas ng dalawang taon, sumapi naman siya sa tanggapan ng abugadong pangdistrito ng Manhattan, na pinamumunuan ni Robert M. Morgenthau, para usigin ang sindikato ng mga kriminal. Noong 1992, inilunsad niya ang isang matagumpay na imbestigasyon na sumira sa kapangyarihan ng pamilyang Gambinong lumulukob sa industriya ng mga pananamit at pagtatrak ng Manhattan. Sa mga sumunod na anim na taon, naghanapbuhay siya sa mga tanggapang pambatas ng Skadden, Arps, Slate, Meagher & Flom at Constantine and Partners. Noong 1998, tinalo niya ang nakaupong Republikanong si Dennis Vacco, ng ilang maliit na boto lamang, at naging nahalal na Attorney General ng Estado ng New York.
[baguhin] Pagkagobernador
[baguhin] Iskandalo kaugnay ng prostitusyon
Noong Marso 10, 2008, ibinalita ng The New York Times na tinangkilik ni Spitzer ang serbisyo ng Emperors Club VIP, isang kumpanyang pamprostitusyon, noong gabi ng Febrero 13, 2008 [4] at nakipagtagpo sa isang hostes na nagkakahalaga ng $1,000-bawat-oras. Nagtagal ang pagsasama nila ng may higit sa dalawang oras[5] sa loob ng silid na may bilang na 871 ng Mayflower Hotel sa Washington, D.C., kung saan nakatala ang tunay na pangalan ni Spitzer at maging ang kaniyang adres sa Fifth Avenue, Manhattan.[6][7][8]
Noong Marso 12, 2008, nagpasyang magretiro si Spitzer dahil sa kontrobersiya. Papalitan siya ni David A. Paterson, ang kasalukuyang Tenyente Gobernador ng New York.[9]
[baguhin] Mga talasanggunian
- ↑ Gilded Path to Political Stardom, With Detours October 12, 2006
- ↑ Spitzer Scandal's Israel Angle Feels Like Deju Vu March 11, 2008
- ↑ Pressure Mounts on NY's Gov. Spitzer to resign Marso 11, 2008
- ↑ Feuer, Alan. "Four Charged With Running Online Prostitution Ring", The New York Times, 2008-03-07.
- ↑ Post Chronicle (2008-03-11). Emperor's Club Call Girl Photos: Client No. 9, Eliot Spitzer's Fall. Nakuha noong 2008-03-11.
- ↑ CNN (2008-03-10). Sources: Spitzer under prostitution investigation. Nakuha noong 2008-03-10.
- ↑ Hakim, Danny; William K. Rashbaum (March 10, 2008). Spitzer Is Linked to Prostitution Ring. N.Y. / Region. The New York Times. Nakuha noong 2008-03-10.
- ↑ Cohen, Laurie P. at Amir Efrati. Spitzer Engulfed in Sex Scandal, The Wall Street Journal, Marso 11, 2008, Pahina A1
- ↑ Spitzer Resigns, Citing Personal Failings, NYTimes.com, Marso 12, 2008