See also ebooksgratis.com: no banners, no cookies, totally FREE.

CLASSICISTRANIERI HOME PAGE - YOUTUBE CHANNEL
Privacy Policy Cookie Policy Terms and Conditions
Eiji Wentz - Wikipedia

Eiji Wentz

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Isang mangaawit, aktor, at komedyante si Eiji Wentz (ウエンツ瑛士, ウエンツえいじ, Uentsu Eiji; ipinanganak Oktubre 8, 1985) mula sa Tokyo, Hapon. Siya ay tanyag na kasapi ng duo na WaT at ng kumpanyang pamproduksyon na "Burning Productions".

Mga nilalaman

[baguhin] Maagang Buhay

Bunso at pangalawang anak na lalake si Eiji Wentz, na isinilang sa isang Amerikanong-Aleman na ama at Hapones na ina. Dahil sa Amerikanong pinagmulan ng pamilya, bihasa ang kanyang ama at kuya sa Ingles. Subalit, siya ay monolinggwal lamang sa Nippongo at itinuturing niya ang kanyang sarili bilang isang Hapones. Dahil sa kinakailangang parehong magtrabaho ang kanyang mga magulang, tumira si Eiji sa kanyang lola noong kamusmusan niya. Bilang isang tinedyer, nagtapos siya ng hayskul sa Nippon University Sakuragaoka High School.

[baguhin] Bago Sumikat

Napasama siya sa industriya ng syobis sa napakamurang edad. Nagsimula siya bilang modelo sa edad na 4 at nagsimula siya sa pag-arte sa papel na si Chip sa Four Seasons Musical Troupe Production ng Beauty and the Beast. Sumikat siya bilang batang aktor sa Tensai Terebikun MAX(Tensai Terebikun lamang noong kapanahunan niya), kung saan siya tumugtog ng bass guitar at piano sa edad na 10. Sa mga live na pagtatanghal, tinutugtog din niya ang acoustic bass at keyboard. Sinimulan lang niyang matutong tumugtog ng gitara sa edad na 17.

Matapos umalis sa Tensai Terebikun, inalukan siya ng trabaho ng Johnny's Entertainment pero tinanggihan niya ito sapagkat ayaw niyang sumayaw at ang gusto niya ay magpatawa. Napasok siya sa Burning Productions sa mungkahi na rin ni Hiromi Go.

[baguhin] Karera sa Komedya

Ayaw niyang gamitin ang kanyang guwapong hitsura upang sumikat sa pagpapatawa, ngunit kinakailangan niyang ipakita ang kanyang tunay na pagkatao. Dahil sa kanyang sipag at determinasyon sa trabaho, marami ang nagsasabing isa siya sa mga pinakamagaling na papausbong na komedyante. Sabi ni Eiji, mahal na mahal niya ang kapwa sikat na komedyante na si Housei Yamazaki dahil sa tagal din ng pinagsamahan nila noon sa Tensai Terebikun. Sa katunayan, sa Nobyembre 21, 2005 na episodo ng HEY! HEY! HEY! MUSIC CHAMP ng Fuji Television, sinabi ni Housei sa mga host na "Siya ang kauna-unahang lalaking rumespeto sa 'kin." Bagaman si Yamazaki ang kanyang "Diyos ng Komedya", humuhugot din siya ng inspirasyon mula kina Kouji Imada, Hiroyuki Miyasako, Hiroshi Shinagawa, atbp.

[baguhin] Karera sa Pag-arte

Marami nang ginampanang papel si Eiji sa pelikula at telebisyon, malaki man o maliit. Ginusto niyang maging si Kamen Rider ngunit hindi niya nakuha ang papel matapos mag-awdisyon ng dalawang beses. Subalit, nakakuha siya ng papel sa pelikulang Kamen Rider THE FIRST noong 2005, ngunit hindi niya nakuha ang pagiging bida.

[baguhin] Karera sa Musika

Matapos lisanin ang Tensai Terebikun, nagpatuloy pa din siya sa pagtugtog ng musika at binuo ang bandang WaT kasama si Teppei Koike noong 2002. Nagsimula muna sila sa pagtugtog sa mga lansangan. Noong 2004, naglabas sila ng indies CD. Noong Agosto 2005, nakontrata sila sa Universal Music at nilunsad ang kanilang malaking debut ng Nobyembre ng taong din iyon. Bagaman nailang pa siya kay Teppei noon, malapit na malapit na ngayon ang dalawa. Naka-apat na Pasko na si Eiji kasama si Teppei(Sa unang taon, nagpakuha sila ng purikura sa Shinjuku, sa ikalawang taon tumakbo sila sa isang marathon para sa shooting ng kanilang unang music video, sa ikatlong taon sabay silang kumain sa isang restoran ng salisbury steak, at sa ikaapat na taon nagkaroon sila ng WaT event kasabay ng shooting para sa Love Com). Nang tanungin tungkol sa kanyang karera sa hinaharap, sa katotohanang sa halip na musika, ay mas gusto pa niyang yumabong ang kanyang karera sa telebisyon, nangilid ang mga luha ni Eiji at sinabing ayaw niyang isuko ni Teppei ang musika kaya't gusto na rin niyang magpatuloy. Nagmula ang impluwensya ni Eiji sa musika mula sa Mr. Children at The Yellow Monkey. Sa partikular, hinahangaan niya ang pangunahing mangaawit ng The Yellow Monkey na si Kazuya Yoshii, na nagkataong kahati pa niya sa kaarawan (Okt. 8). Sa radyo, nabanggit ni Kazuya kay Eiji na, "Balang araw, isusulat kita ng erotikong kanta na aawitin mo."

[baguhin] Mga Pinagbidahan

Telebisyon

[baguhin] Variety

  • Pretty Kids (TV Tokyo) regular
  • Nounai esute IQ Supli (Fuji TV) regular
  • Barioku! (Nippon TV) host
  • Ame ni mo makezu! (Fuji TV) host
  • Ponkikki (Fuji TV) host
  • Ai Nori (Fuji TV) host
  • D no gekijyou (Fuji TV) regular

[baguhin] Dulang Pantelebisyon

  • dulaa sa loob ng palabas sa NHK na Tensai Terebi-kun na tinatawag na Kyuumei Senshi Nano Saver (1995)
  • NHK Toshiie Tomatsu (2002) bilang Mori Ranmaru
  • Nippon TV Tentei Kazoku (2002) bilang Tomoda Yuuki
  • Nippon TV Gokusen, part 6 panauhin (2002) bilang Yuuki Masato
  • Nippon TV Raion Sensei (2003) bilang Furuta Takumi
  • Fuji TV Fukiko Hemingu no Kiseki (2003) bilang Ootsuki Urufu
  • TV Asahi Aa, Tentei Jimusho" (2004) bilang Inaba Yusuke
  • TBS Kanou Ai no Gekijou: Tadashii Renai no Susume (2005) bilang Takeda Hiroaki (unang papael na bida)
  • TBS -RONDO- (2006) bilang Toda Masato
 *PAALALA: Sa tradisyong Hapones, nauuna ang apeliyido bago ang unang pangalan.

[baguhin] Pelikula

  • Kamen Rider THE FIRST (Nobyembre 5, 2005) Mitamura Haruhiko (unang pelikula)
  • Brave Story (Hulyo 8, 2006) Ashikawa Mitsuru (unang voice acting)
  • Rabu Con (Hulyo 15, 2006) Dancing Yoshiko
  • Captain Tokyo (2007) Furuta
  • Gegege no Kitarou (2007) Kitarou (unang papel na bida)
  • Gegege no Kitarou ~Sennen Noroi Uta~ (2008) Kitarou

[baguhin] Silipin Din

[baguhin] Mga Kawing Panlabas


aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu -