Dichlorodifluoromethane
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang dichlorodifluoromethane (R-12), na binebenta sa ilalim ng pangalang Freon-12, ay isang chlorofluorocarbon halomethane, kilala bilang CFC, na ginagamit bilang pampalamig (refrigerant) at pampatulak ng mga tilamsik-aerosol. Pinatigil ang produksyon nito noong 1995 dahil sa pagkabalisa tungkol sa pagkasira ng patong ng ozone sa atmospera.
[baguhin] Ang Gumawa
Si Thomas Midgley, Jr. (Mayo 18, 1889 – Nobyembre 2, 1944), ay isang Amerikanong inhinyerong mekanikal na naging kimiko. Nilikha niya ang aditibo na tinggang tetra-ethyl (TEL) para sa gasolina at mga chlorofluorocarbon (CFCs), na may sandaang patente.
[baguhin] Ang Pagkadiskubre
Noong 1930, inutusan ng General Motors si Midgley na lumikha ng isang 'di-malason at ligtas na pampalamig para magamit sa mga bahay-bahayan. Ang dichlorodifluoromethane, isang klorinadong fluorokarbon (CFC), o Freon ang ipinangalan niya dito. Ang mga CFC ay pinalitan ang mga malason na pampalamig na ginagamit ng unang panahon katulad sa palamigan. Ang mga CFC ay ginamit rin para sa mga pampatulak sa aerosol na latang pantilamsik, mga metered dose inhalers (asthma inhalers), atbp. Binigyan siya ng Medalyang Perkins noong 1937 para sa kanyang mga ginawa.