Benjie Paras
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay maaring nangangailangan ng pagsasaayos upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito. (Marso 2008) |
Pinagdududahan ang kawalan ng kinikilingan ng artikulong ito. Mangyaring tignan ang usapan. (Marso 2008) |
Si Benjie Paras ay isang retirado basketbolista sa Philippine Basketball Assocation naglaro sya sa labing apat na taon sa koponan na Shell Turbochargers at isang taon(2 conperensya) bilang miyembro ng San Miguel Beermen. Siya ang kaiisa-isang manlalaro sa kasaysayan ng liga na nagwagi ng Rookie of the Year at Most Valuable Player sa isang season, ginawa nya ito noong 1989. Sa ngayon si Paras ay lumalabas artista sa telebisyon at mangilan-ngilang pelikula. Host din sya sa isport show na Finish Line.
[baguhin] AMATEUR CAREER
Si Paras ay naglaro ng hayskul basketbol bilang miyembero ng San Beda Red Cubs, sa pinamalas na galing nito nung hayskul nirecrut sya ng Unibersidad ng Pilipinas na maglaro sa kanilang koponan, na noon ay tinatawag na UP Parrots(ngayon ay Fighting Maroons). Sa isang laro pinakita ni Paras ang kanyang pagiging dominante sa pag-iskor ng 19 na puntos, 17 rebounds at 7 blanka laban sa Far Eastern University. Noong 1986 dinala ni Paras ang UP sa UAAP Basketbol Finals laban sa University of the East na pinangungunahan ni Jerry Codiñera. Sa tulong ni Paras nanalo ang UP ng una nilang kampeonato sa larangan ng basketbol mula pa nung bago pa mag-ikalawang digmaan pandaigdig.
[baguhin] ANG ROOKIE YEAR
Kinuha siya ng koponan na Shell nung 1989 PBA Draft, at binansagang The Tower of Power dahil sa kanyang mga post moves, ball handling, mga dunks, pagblanka ng mga tira, isang desenteng jump shot, binuhay niya ang Shell at dinala ito sa isang laban sa kampeonato laban sa San Miguel Beermen, ngunit sila'y nato. Dahil sa pinamalas na husay ni nanalo siya ng ' 89 Rookie of the Year Award at nasapawan din niya ang ibang beterano ng liga at siya'y nanalo ng '89 Most Valuable Player Award. Sa ngayon si Paras pa lang ang nakagawa nito sa PBA.
Finals