Assyria
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Noong Gitnang Panahon ng Tanso, ang Assyria ay isang rehiyon sa Ilog Tigris na ipinangalan sa unang kabisera nito, ang sinaunang lungsod ng Assur (Akkadian: Aššur; Hebrew: אַשּׁוּר Ar, Aramaic: Aṯr). Di naglaon, bilang isang nasyon at imperyo na namahala sa buong Fertile Crescent, Ehipto, at malaking bahagi ng Anatolia, tumutukoy ang katawahang "Assyria proper" sa hilagang hati ng Mesopotamia (ang timog na hati ay ang Babylonia na ang Nineveh ang kabisera).
Nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga haring Assyrian ang isang malaking kaharian sa tatlong magkakaibang bahagi ng kasaysayan. Tinatawag ang mga ito na panahon o kahariang Matanda (Old) (ika-20 hanggang ika-15 dantaon BC), Gitna (Middle) (ika-15 hanggang ika-10 dantaon BC), at Neo-Assyrian (911-612 BC), kung saan ang pinakahuli ang pinakatanyag at may maraming naidokumento.