Antas ng wika
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kinakailangang isulat muli ang artikulong ito. Pag-usapan ang mga pagbabago sa pahina ng usapan. |
Ang wika at salitain ay nahahati sa apat na uri.
Una, ang balbal, na siyang pinakamababa.
Halimbawa ng balbal ay ang mga sumusunod: "epal (mapapel), iskapo (takas), istokwa (layas), haybol (bahay)at bomalabs (malabo)".
Ikalawang uri naman ay ang lalawiganin. Kabilang sa antas na ito ay ang mga salitain ng mga katutubo sa lalawigan. May temang lalawiganin sa kani kanilang dila ang mga Kabiteño, Batangueno, Bicolano at iba pa. Aa paggamit ng mga salitang hindi banyaga at hindi rin naman Tagalog, matibay na indikasyon ng lalawiganing tema ang pagkakaroon ng punto O sa ingles ay accent.
Ang ikatlong uri naman ay ang Pambansa. Sa Pilipinas, laman pa rin ng pagtatalo kung ano ang kasama sa antas na ito. Marami ang nagsasabing ito ay Filipino, samantalang ang iba naman ay may katwiran ding tawaging Tagalog lamang ang Wikang Pambansa ng Pilipinas. Kung mauunawaan na ang Filipino at ang kaniyang alpabeto (Simpleng alpabeto) ay maunlad, at may mga hiram na titik. Ang Filipino naman ay kalipunan ng mga salitain ng lahat ng mga Filipino (tao) maging lalawiganin man, o balbal, mapa Tagalog man o banyaga. Sa kadahilanang ito, ang Tagalog ang siyang tinuturing na wikang Pambansa at hindi ang Filipino. Gayunpaman dahil kasulatan at kasaysayan, ang Filipino pa rin ang naitala at kinikilalang wikang pambansa.
Ang ikapat na uri naman ng wika ay ang Pampanitikan. Sa apat na antas ng wika, ito ang may pinakamayamang uri. Madalas ito ay ginagamitan ng mga salitang may iba pang kahulugan. idioma, eskima, tayutay at iba't ibang tono, tema at punto ay ginagamit sa pampanitikan. May isang eksperto sa wika ang nagsabi na ang Panitikan ay "Kapatid na babae ng Kasaysayan", dahil ang wikang pampanitikan ay makasaysayan at may kakayahang tumaliwas sa kasaysayan dahil sa kakayahang lumikha ng mga tauhang piksyunal o hindi totoo. Malayang magamit sa pagkatha ng dula, palabas, at iba pang likhang-pampanitikan ay kadalasang nagaganap.
katangian ng wika 1. ang wika ay buhay o dinamiko 2. ang wika ay komunikasyon 3. ang wika ay kabuhol ng kultura 4. ang wika ay sinasalitang tunog