Ang Pulubi at ang Prinsesa
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay maaring nangangailangan ng pagsasaayos upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito. (Marso 2007) |
Pinagdududahan ang kawalan ng kinikilingan ng artikulong ito. Mangyaring tignan ang usapan. (Marso 2007) |
Paboritong pelikula ni Katrina Isabel Lopez at Rhoderick Rey Cervantes.
Directed by Jerry Lopez Sineneng sa panulat ni Elenna Ongkiko
Isa itong pelikulang tinatampok si Camille Prats at Angelica Panganiban. Si Nika (Angelica) ay isang anak mayaman na kinidnap ng sindikatong may hawak naman kay Camille Prats (Rosalie). Isinalba ni Rosalie ang buhay niya para kay Nica at sa laking pasasalamat ng nanay ni Nika (Teresa Loyzaga), mistulang inampon nila si Rosalie. Si Nika ay isang spoiled brat at pilit niyang inaaway si Nika. Yun tipong habang naglilinis si Rosalie eh dinumahan niya pa ang sahig at sinabing "Nakakainis no?" sabay feet movement. Sa kadahilanang ito, bumalik na lang si Rosalie sa bahay ng kanyang kinilalang nanay na si Ate Malunggay (Sharmaine Arnaiz) kasama ng bading nitong kaibigan (John Lapus). Ngunit ng magalit si Nika sa kanyang nanay dahil may boypren ito (isang B-actor na boldstar nagngangalang Emilio Garcia) at sa tingin niya'y hindi siya mahal ng kanyang ina, pumunta na lang siya sa bahay ni Rosalie. Natuto si Nika mangaliskis ng isda sa palengke. Si Rosalie ng panahong ito ay nabalisa dahil nalaman niya na patay na pala ang totoo niyang ina. Sa paglaon ng oras, si Nica na ang gumagawa ng mga tungkulin ni Rosalie sa bahay. Siya na ang nagluluto at tumutulon sa palengke. Naramdaman ni Rosalie na tila hindi na siya kailangan at nagtangkang lumayas. Akala mo'y tapos na ang drama? Nakidnap na naman si Nika, pero dahil magaling ang kasintahan ni Ate Malunggay na si Baldo (Romnick Sarmenta, may pulis may pulis na gusto kong i-kiss) nahuli rin ang masasamang loob. Sa pagkakataong ito, si Nika naman ang nagsalba kay Rosalie. Pagkatapos ng gulo, nabalik na si Nika sa kanyang nanay. At sa dulo, birthday ni Rosalie at kumanta sila ni Nika.
Buhay mo at buhay ko'y, punong-puno ng kulay...
Sa pelikulang ito ipinapakita na ang pagkakaibigan crosses bounds. :)
Oo nga pala, andito rin pala si Mon Confiado, ang pinakamagaling na extra sa Pilipinas.