Abelardo Cortes
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulo (o seksyon) na ito ay maaring nangangailan ng pag-wikify upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito, lalo na sa pambungad, kaayusan ng mga seksyon, at mga kaugnay na kawing paloob. (tulong) (Marso 2007) |
Si Abelardo ay isang Aktor na malimit lumabas sa produksyon ng mga Santiago. Siya ay lumabas sa pelikulang 7 Maria nina Carol Varga at Lydia Resma sa ilalim ng Larry Santiago. Napasama rin siya kina Anita Linda sa Takya kung saan ginampanan ng huli ang naturang pangalan. Gumawa rin siya ng tatlong pelikula sa People's Pictures ito ay ang Aksiyon na Prinsipe Villarba ni Johhny Monteiro, ang Musikal na You're My Everything at ang pelikulang giyera na Huling Digmaan.
Lumabas din siya sa Premiere Production tungkol sa boksingero na si Pepeng Kaliwete at ang maaksiyong espadahan sa loob ng palasyo ang Sa Ngalan ng Espada.
[baguhin] Kapanganakan
[baguhin] Pelikula
- 1955 - 7 Maria
- 1956 - Takya
- 1956 - Prinsipe Villarba
- 1956 - Huling Mandirigma
- 1958 - Pepeng Kaliwete
- 1958 - Sa Ngalan ng Espada
- 1958 - You're My Everything