Medisina
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang panggagamot o medisina ay sangay ng agham pangkalusugan na tungkol sa panunumbalik at pagpapatuloy ng kalusugan at kagalingan. Sa isang malawak na kahulugan, ito ang agham sa pagiwas at paggamot sa mga sakit. Gayon man, kadalasang tumutukoy ito sa mga gawain ng mga manggagamot at siruhano.
Kapwang isang bahagi ng kaalaman (isang agham), at isang paglalapat ng kaalaman (propesyong panggagamot) ang panggagamot. Iniugnay sa mga iba't ibang natatanging sangay ng agham ng panggagamot ang mga katumbas na mga natatanging propesyong panggagamot na patungkol sa isang partikular na bahagi ng katawan o sakit. Tumutukoy ang agham ng panggagamot sa bahagi ng kaalaman na tungkol sa mga sistema ng katawan at sakit, samantala tumutukoy ang propesyon ng paggagamot sa kayariang lipunan ng mga grupo ng mga tao na pormal na nagsanay upang ilapat ang kaalamang iyon para gamutin ang mga sakit.
Mayroong mga tradisyunal at paaralan ng panggagamot na kadalasang di tinuturing na bahagi ng Kanlurang medisina sa isang mahigpit na kamalayan. Ang paaralan ng Ayurveda (ng India) at tradisyunal na panggagamot ng mga Intsik ang pinaka-masulong na sistema ng panggagamot sa labas ng Kanluran o Hippocratic na tradisyon.