De facto
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang de facto ay isang katagang Latin na nangangahulugang "sa katotohanan" o "sa pagsasanay". Kadalasang ginagamit ito salungat sa de jure (na nangangahulugang "sa pamamagitan ng batas") kapag tumutukoy sa mga bagay na ukol sa batas, pamahalaan o paraan (katulad ng mga pamantayan), na makikita sa mga karaniwang karanasan bilang nilikha o pinaunlad ng wala o sinalungat na regulasyon.