Pamahalaan
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang pamahalaan ay isang organisasyon na may kapangyarihan na gumawa at magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo. Maraming kahulugan kung ano ang binubuo ng isang pamahalaan.
Nabigyan ng kahulugan ang pamahalaan bilang ang makapangyarihang braso na gumamawa ng pasya sa estado. Nabigyan ng kahulugan ang huli (ni Max Weber, isang ekonomistang pampolitika at sa bandang huli pilosopiyang pampolitika) bilang isang organisasyon na hinahawak ang monopolyo sa lehitimong paggamit ng dahas sa loob ng kanyang nasasakupan. Kung titignan sa maka-etikang termino, bukas sa usapin ang kahulugan ng "lehitimo", at nangangahulugan na kinukunsidera na isang estado para sa mga tagataguyod ang organisasyon ngunit di sa mga nagpapababa ng dangal nito. Binibigyan ng kahulugan ng ilan ang "lehitimo" bilang pagsangkot sa aktibo at walang kibong suporta ng nakakarami sa populasyon, i.e., ang kawalan ng digmaang sibil. (Hindi isang estado ang isang entidad na binabahagi ang kapangyarihan ng militar/pulis kasama ang malayang milisya at mandarambong. Maaaring "di nagtagumpay na estado.") Pinapalakas ng maka-demokratikong pagkontrol sa pamahalaan - at sa ganitong paraan ang estado - ang pagiging lehitimo nito.
Maaari din na ang kahulugan ng pamahalaan bilang isang pampolitika na pamamaraan ng paglikha at pagpapatupad ng batas; kadalasan sa pamamagitan ng byurukrasyang herarkiya. Sa ganitong kahulugan, hindi inaayunan bilang isang pamahalaan ang isang purong despotikong organisasyon na kinokontrol ang isang nasasakupan na walang sinasaad na batas.