Amelia Earhart
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Amelia Mary Earhart (ipinanganak Hulyo 24, 1897, Atchison, Kansas - nawala noong Hulyo 2 1937, sa kanlurang karagatang Pasipiko), anak nina Edwin at Amy Earhart, ay isang Amerikanong abyador at kilala bilang pinakaunang babaeng piloto na mahiwagang nawala sa Karagatang Pasipiko sa panahon ng paglipad noong 1937.