Sugal
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang salitang sugal ay nagkaroon ng maraming magkakaibang kahulugan depende sa kultura o kasaysayang pinaggagamitan nito. Sa ngayon, sa mga Lipunang Kanluranin, ay mayroon itong kahulugang pang-ekonomika, tumutukoy sa "paggagamit ng salapi o mga bagay na may halaga sa mga kaganapan na hindi tiyak ang kakahantungan na ang pangunahing intensyon ay manalo na karagdagang salapi o/at mga materyal na bagay".
Ang paglalaro[1] sa kontekstong ito na ay kadalasang inilalarawan sa mga sandaling ang mga aktibidad ay ginagawang legal ng mga karampatang batas o ang mga gawain na ito ay hindi kasama sa mga batas kriminal. Ang mga kumpanyang nagpapalaro ay nagbibigay ng mga legal na gawaing sugal sa publiko.[2]