Narding Anzures
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pinagdududahan ang kawalan ng kinikilingan ng artikulong ito. Mangyaring tignan ang usapan. (Marso 2007) |
Ang artikulo (o seksyon) na ito ay maaring nangangailan ng pag-wikify upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito, lalo na sa pambungad, kaayusan ng mga seksyon, at mga kaugnay na kawing paloob. (tulong) (Marso 2007) |
Mga nilalaman |
[baguhin] Talambuhay
Si Narding Anzures ay isang artistang Pilipino na kilalang kapareha ni Lilian Velez kahit noong sila ay mga tinedyer pa. Anak siya ng mga batikang artistang sina Miguel Anzures at Rosa Aguirre.
Una siyang gumanap bilang tulisan sa Ang Batang Tulisan ng Filippine Pictures. Tatlong pelikula ang ginawa niya sa Sampaguita Pictures 1939-1940 at isa sa LVN Pictures noong 1941 ang Binatillo.
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sila pa rin ang magkapareha ni Lilian hanggang sa mauwi sa hindi inaasahang pangyayari. Napatay niya si Lilian bagay na pinagdusahan niya sa loob ng kulungan.
Ang Estudyante ang huling pelikula niya noong 1947. Ang kuwento nila ay isinapelikula nina Sharon Cuneta at Cesar Montano ang The Lilian Velez Story.
[baguhin] Tunay na Pangalan
[baguhin] Kapanganakan
[baguhin] Lugar ng Kapanganakan
[baguhin] Pelikula
- 1938 - Ang Batang Tulisan
- 1939 - Ang Magsasampaguita
- 1940 - Gunita
- 1940 - Inang Pulot
- 1940 - Bahaghari
- 1941 - Binatillo
- 1941 - Binibiro Lamang Kita
- 1946 - Death March
- 1947 - Ang Estudyante
- 1947 - Sa Kabukiran