Miguel López de Legazpi
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Miguel López de Legazpi (1502–1572) kilala rin bilang si El Adelantado (Ang Gobernador) at El Viejo (Ang Nakatatanda) ay isang Kastilang kongkistador na nagtatag ng unang kolonya sa Pilipinas noong 1565.
[baguhin] Unang bahagi ng buhay
Ipinanganak noong 1502, siya ang pinakabatang anak nina Don Juan Martínez López de Legazpi at Elvira Gurruchategui. Ipinanganak siya sa isang mayamang pamilya at lumaki siya sa maliit na bayan ng Zumárraga, sa Basque sa lalawigan ng Guipúzcoa sa España.
Sa gitna ng 1526 at 1527, naglingkod siya bilang councillor sa pamahalaang munisipal ng kanyang bayan. Noong 1528, matapos magtayo si Hernán Cortés ng mga paninirahan sa Mexico, pumunta siya doon para magsimulang muli dahil sa pagkamatay ng kanyang mga magulang at ang hindi niya pagtanggap sa kanyang nakakatandang kapatid, na minana ang lahat ng kayamanan ng kanilang pamilya. Sa Tlaxcala, nagtrabaho siya kay Juan Garcés at ang kanyang babain kapatid, si Isabel Garcés. Pinakasalan ni Legazpi si Isabel at nagkaroon sila ng siyam na anak. Namatay si Isabel sa kalagitnaan ng 1550s.