Marlene Dauden
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pinagdududahan ang kawalan ng kinikilingan ng artikulong ito. Mangyaring tignan ang usapan. (Marso 2007) |
Si Marlene Daudén ay isa sa mga katriyanggulo nina Lolita Rodriguez at Eddie Rodriguez na namayagpag sa mga telon noong dekada 60s hanggang 70s.
Ipinakilala siya at gumanap bilang Babaeng Sekreta sa Mga Ligaw na Bulaklak ng Sampaguita Pictures kung saan nag-eespiya ng mga taong nasasangkot sa mga ipinagbabawal na gamot, at gumanap naman siya bilang nakababatang kapatid na nurse ni Lolita Rodriguez sa Kundiman ng Puso at eektibo rin siya bilang kontrabida sa buhay ng isang magandang katulong na si Amalia Fuentes sa Ang Senyorito at ang Atsay
Si Marlene ay isa sa mga pinakabatikang aktres ng Pilipinas, wika nga sa Ingles, siya ay isang "dramatic actress par excellence." Ito ay pinapatunayan ng kanyang natamong sampung nominasyon sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards, kung saan siya ang kauna-unahang bituin na nagkamit ng limang pampelikulang gawad para sa kapuri-puring pagganap sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Siya ay nominado sa FAMAS nang sampung beses at nanalo ng limang beses. Nanalo siya ng tatlong FAMAS Best Supporting Actress Awards sa mga pelikulang Anino ni Bathala (1958), Kamandag (1959) at Sapagkat Kami'y Tao Lamang (1963). Nanalo naman siya ng dalawang FAMAS Best Actress Awards para sa kanyang kapuri-puring pangganap sa Sa Bawat Pintig ng Puso (1964) at Kapag Puso'y Sinugatan (1967). Siya ay nominado bilang FAMAS Best Supporting Actress sa pelikulang Talipandas (1958) at FAMAS Best Actress sa mga pelikulang Gumuhong Bantayog (1960), Mila Rosa (1965), Alipin ng Busabos (1968) at Babae, Ikaw ang Dahilan (1972).
Siya ay naninirahan ngayon sa Amerika kung saan siya ay isang medical office manager. Mayroon din siyang lumpia business doon.
Mga nilalaman |
[baguhin] Kapanganakan
[baguhin] Asawa
- Ernesto Hernaez
[baguhin] Pamangkin
- Carol Dauden
[baguhin] Pelikula
- 1957 - Mga Ligaw na Bulaklak
- 1957 - Gabi at Araw
- 1957 - Eternally
- 1958 - Kundiman ng Puso
- 1958 - Anino ni Bathala
- 1958 - Talipandas
- 1958 - Silveria
- 1958 - Mapait na Lihim
- 1958 - Berdaderong Ginto
- 1958 - Alaalang Banal
- 1959 - Kamandag
- 1960 - Gumuhong Bantayog
- 1963 - Sapagkat Kami'y Tao Lamang
- 1964 - Sa Bawat Pintig ng Puso
- 1965 - Mila Rosa
- 1968 - Alipin ng Busabos
- 1972 - Babae, Ikaw ang Dahilan
[baguhin] Telebisyon
- 1968 - Balintataw - ABS