Lungsod ng Dabaw
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lokasyon | |
Mapa ng Davao del Sur na ipinapakita ang lokasyon ng Dabaw. | |
Pamahalaan | |
Rehiyon | Rehiyon ng Davao (Rehiyon XI) |
Lalawigan | — |
Distrito | Una hanggang ika-3 distrito ng Dabaw |
Mga barangay | 180 |
Kaurian ng kita: | Unang klaseng lungsod; napakataas na urbanisado |
Alkalde | Rodrigo R. Duterte |
Pagkatatag | 1848 |
Naging lungsod | Oktubre 16, 1936 |
Opisyal na websayt | http://www.davaocity.gov.ph |
Mga pisikal na katangian | |
Lawak | 2,443.61 km² |
Populasyon | 1,147,116 540/km² |
Mga coordinate | 7° 30' N, 126° E |
Ang Dabaw (Kastila: Davao) ay isa sa mga pinakamahalagang lungsod sa Pilipinas at ang de facto na punong-lungsod ng pulo ng Mindanao, ito rin ang pinakamalaking lungsod sa Pilipinas ayon sa sakop. Ang internasyunal na paliparan at pwertong pandagat ang isa sa mga pinakaabalang daugnan sa timog Pilipinas. Isa ang Dabaw sa mga lungsod sa Pilipinas na malaya sa lalawigan bagaman pinapangkat ito sa Davao del Sur sa layuning pang-estadistika. Ang lungsod ay sentrong pangrehiyon din ng Rehiyon ng Davao (Rehiyon XI). Isa ito sa malalaking lungsod sa mundo sang-ayon sa sakop ng lupain, sinasakop ang mahigit sa 2,400 km². Mayroon ang Dabaw ng mga 1.3 milyong katao ngunit mayroon mga tinatayang 2 milyong katao ang nasa lungsod sa araw para magtrabaho at ibang mga aktibidad.
Matatagpuan ang Dabaw sa 7°30' Hilaga, 126°0' Silangan (7.5, 126.0). [1] Ayon sa sensus noong 2000, mayroon itong populasyon na 1,147,116 katao sa 240,057 mga sambahayanan.
[baguhin] Kasaysayan
Noong Disyembre 8, 1941 Ang pagsalakay ng mga pilotong Hapones na pasabugin ng lungsod ng Dabaw. Noong 1942, Ang pagsakop ng mga tropang Hapones na pinasok ng lungsod ng Dabaw. Noong 1945, Ang nagsimula agad sa mga pwersang Pilipino at Amerikano para sa Pagpapalaya sa lungsod ng Dabaw na nilusob at kalabanin ng mga sundalong Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.