Lazaro Francisco
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulo (o seksyon) na ito ay maaring nangangailan ng pag-wikify upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito, lalo na sa pambungad, kaayusan ng mga seksyon, at mga kaugnay na kawing paloob. (tulong) (Abril 2007) |
Si Lazaro Francisco (Pebrero 22, 1898 - Hunyo 17, 1980) ay pang-apat na anak ni Eulogio Francisco at Clara Angeles. Siya ay isinilang sa Orani, Bataan ngunit pumunta at tuluyang namalagi sa Nueva Ecija. Siya ngayon ay itinuturing na isa sa matibay na haligi ng panitikang Filipino. Kinikilala rin siya na ama ng Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang Pilipino (KAWIKA). Ilan sa mga isinulat niyang mga nobelang ay ang Singsing na Pangkasal, Bayang Nagpatiwakal, Sa Paanan ng Krus, Ilaw sa Hilaga, Binhi at Bunga, Cesar, Sugat ng Alaala, Ama, Maganda Pa Ang Daigdig, at ang pinakahuli niyang nobela, ang Daluyong. Makikita sa kanyang mga nobela na pinayaman niya ang panitikan ng bansa at sinubukan niyang pagandahin ang Pilipinong daigidig sa pamamagitan ng kanyang pambihirang kakayahan sa wika at pakikisangkot sa kapakanan at mithiin ng mga Pilipino.
Maliban sa Bayang Nagpatiwakal, lahat ng kanyang nobela ay nalathala sa Liwayway. Iginawad sa kanya ang mga karangalang ”Patnubay ng Lahi” ng Maynila. ”Dangal ng Lahi” ng Lungsod ng Quezon, at noong 1970 ay ipinagkaloob sa kanya ang ”Republic Cultural Heritage Award” sa Panitikan.