Web Analytics

See also ebooksgratis.com: no banners, no cookies, totally FREE.

CLASSICISTRANIERI HOME PAGE - YOUTUBE CHANNEL
Privacy Policy Cookie Policy Terms and Conditions
Epistemolohiya - Wikipedia

Epistemolohiya

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Epistemolohiya ay isang sangay ng pilosopiya na tumatalakay sa kalikasan, pinagmumulan at saklaw ng kaalaman.

Mga nilalaman

[baguhin] Theaetetus

Ang sinulat na Theaetetus ni Platon (Plato) ang pinakamahalagang pagsisikap na bigyang-kahulugan ang "kaalaman".

Kaalaman ang totoo (tama) at matuwid na paniniwala.

Ipinapahiwatig ng kahulugang ito na hindi natin maaaring sabihin na may "alam" ang isang tao kung basta lamang siya naniniwala at saka lamang ito mapapatunayang totoo. Maaaring magsaya at maniwala ang isang maysakit, na walang alam sa medisina, na gagaling siya kaagad sa kanyang sakit. Sa bandang huli, maaaring tama nga siya at magkaroon ng kaugnayan ang katotohanan at paniniwala, lalo na at para na ring pagpapatunay ang kagalingang idinulot ng kanyang lakas-ng-loob. Ganun pa man, maraming pilosopo ang magsasabi na hindi alam ng maysakit na gagaling siya dahil walang sapat na katwiran para panghawakan niya ang kanyang paniniwala.

Alinsunod sa gamit ng epistemolohiya, hindi tinutukoy ang "paniniwala" bilang pagtitiwala o pagsampalataya sa isang bagay. Ginagamit ang salitang "paniniwala" sa diwa na sinasang-ayunan ang katotohanan ng isang pahayag. Ayon sa ganitong gamit ng salita, maaari nating timbangin kung tama o mali ang paniniwala. Kung naniniwala si Jenny na totoo ang "x", at talagang totoo ang "x", samakatuwid tama ang paniniwala ni Jenny. Ngunit ayon sa Theaetetus, upang ituring na "kaalaman" ang paniniwala, dapat meron itong sapat at angkop na katwiran. Makikita ang kaibahan ng "kaalaman" sa isang "tunay na paniniwala" sa pamamagitan ng pangangatwiran; at malaking bahagi ng epistemolohiya ang tumatalakay kung paanong bibigyang-katwiran ang mga tunay na paniniwala. Minsan ding tinatawag ito na teoriya ng pangangatwiran.

Sumasang-ayon ang kahulugan ng Theaetetus sa alam nating lahat, na kaya nating paniwalaan ang mga bagay kahit hindi natin ito lubusang alam. Bagaman kinakailangan (lohikal na kondisyon) na "totoo ang 'p'" kapag sinasabing "may alam tayo sa 'p'", hindi ito kakailanganin kung sasabihing "may paniniwala tayo sa 'p'", dahil maaari tayong magkaroon ng maling paniniwala. Ipinapahiwatig din nito na pinaniniwalaan natin ang anumang alam na natin. Ibig sabihin, isang maliit na bahagi {subset) ng pinaniniwalaan natin ang mga bagay na alam natin.

Bagaman ang tatlong kondisyon na ito ang kailangan para sa kahulugan ng "kaalaman", patuloy pa rin ang debate kung ito'y "sapat" na. May binabanggit si Edmund L. Gettier na mga pagkakataon kung saan naroon ang tatlong kondisyon, ngunit lumalabas na hindi pa rin nararating ang kinakailangang kaalaman.

Hindi pa napapagkaisahan kung ano ang mga paniniwalang epistemolohikal na magbibigay sa tao ng pinakaeksaktong pagkakaunawa sa kaalaman, o ang mga kaisipang bumubuo dito, ang katotohanan – o bilang pagpapakumbaba, ang pagkakakaisa kung isa lamang ang katotohanan. May paniniwalang epistemolohikal ang lahat ng tao, kahit na di namamalayan, dahil kahit pa tayo nakakapag-isip, hindi natin mauunawaan at magagawang himayin ang mga kaisipan hangga't hindi muna tayo nagkakaroon ng sistema para tanggapin at ihanda ang mga kaisipang ito. Nagtataglay ng panimula at hindi pa napapaunlad na kakayanang epistemolohikal ang lahat ng tao - kahit pa ang mga bata, ayon kay Piaget. Ngunit, maaaring magsimula ang mga nag-aaral ng pilosopiya sa pagsusuri kung paanong gumagana ang kania-kanilang epistemolohiya, at paunlarin ang kanilang epistemolohiya sa pamamagitan ng bago nilang mga natuklasan.

[baguhin] Pagbibigay-Katwiran

Kung pumapayag tayo na maaari nating makita ang kaibahan ng kaalaman sa tamang paniniwala batay sa katwiran nito, masasabi natin na ang pinakasentrong tanong sa epistemolohiya ay "ano ang pinakamabisang paraan upang bigyang-katwiran ang isang tamang paniniwala?"

[baguhin] Irasyunalismo

Merong mga paraan ng pagbibigay-katwiran sa kaalaman na hindi bunga ng katinuan ng pag-iisip (di rasyunal). Iyon bang, hindi nito tinatanggap na dapat maging lohikal at may tamang kadahilanan ang pagbibigay-katwiran. Nagmula ang Nihilismo sa isang materyalistiko at pampulitikal na pilosopiya, ngunit minsan din itong itinuturing na isang maling aral na nagsasabing walang katwiran ang kaalaman -- mali dahil sinasalungat nito ang mismong paniniwala nito na di maaaring magkaroon ng kaalaman, ngunit siguro para sa isang nihilista, walang masama kahit pa salungatin ng isang tao ang kanyang sarili.

Binibigyang-katwiran ng Mistisismo ang mga pahayag nito sa pag-angkin ng isang direktang ugnayan sa isang karanasang banal. Para sa mga taong pinalad na magkaroon ng ganitong karanasan, hindi na mahalaga para kanila kung parang hindi nagkakatugma ang kanilang mga sinasabi, dahil hindi yata maaaring unawain ng isip ng tao ang karanasang banal sa isang paraang may malinaw na balangkas.

[baguhin] Rasyunalidad

Kung hindi natin itatanggi na merong rasyunalidad (kung tinatanggap natin ang kahalagahan ng katinuan), ngunit nais nating panghawakan na hindi maaari at hindi nabibigyang-katwiran ang anumang kaalaman, matatawag tayong mga Iskeptiko (sceptic). May mas malalim na pagkakaugat ito sa pilosopiya, dahil sa pagtanggap ng mga iskeptiko na may bisa ang katwiran, maaari nilang ilahad ang kanilang mga pagpapatunay para dito.

Halimbawa, sinasabi sa patunay sa paraang panunumbalik (regress argument) na maaaring bigyang-katwiran ang isang pahayag. Kung may kasunod na pahayag na ibubunga ang pagbibigay-katwiran, dapat din itong bigyang-katwiran, ganun din ang mga kasunod pa nito. Kaya naman para itong isang walang katapusang panunumbalik, na kung saan binibigyang-katwiran ng iba pang mga pahayag ang bawat pahayag. Napakahirap at di maaaring tiyakin kung sapat ang bawat pagbibigay-katwiran, kaya humahantong sa iskeptisismo ang paggamit sa ganitong sunod-sunod na pangangatwiran.

Sa kabilang banda, maaari nating sabihin na may mga pahayag tungkol sa kaaalaman na hindi nangangailangan ng pagbibigay-katwiran. Malaking bahagi ng kasaysayan ng epistemolohiya ang kuwento ng magkakasalungat na aral pampilosopiya na may kakaibang kahalagahan ang ganito o ganyang pahayag tungkol sa kaaalaman. Ito ang pananaw na tinatawag na Pundasyunalismo (Foundationalism).

Maaari din na iwasan ang patunay sa paraang panunumbalik kung ipapalagay na isang pagkakamali ang ibatay ang katotohanan ng isang pahayag sa tulong na ibinibigay ng iba pang mga pahayag. Pinanghahawakan ng Koherentismo (Coherentism) na hindi nabibigyang-katwiran ang pahayag tungkol sa kaaalaman sa pamamagitan ng maliit na sangbahagi (subset) ng iba pang pahayag, tanging ang kabuuan ng mga pahayag na ito ang makakapagbigay-katwiran. Ibig sabihin, makatwiran ang isang pahayag kung sanggawi (coheres), isang direksyon ang tinatahak nito na umaayon, sa iba pang mga pahayag na kasama sa sistema. Sa ganitong paraan, naiiwasan nito ang problema ng "walang katapusang panunumbalik" (infinite regress), kahit pa hindi nito itinuturing na may kakaibang kahalagahan ang ganito o ganyang pahayag. Maaari din naman na sanggawi lamanag ang sistema ngunit mali pa rin ito; ipinapakita nito ang kahirapang tiyakin na may katotohanan, na nagiging "kapwa-tugon" (corresponds), na tumutugma, sa buong sistema.

[baguhin] Mga Pahayag na Sintetiko at Analitiko

Merong mga pahayag na mukhang hindi na kailangang bigyang-katwiran upang maunawaan ang kahulugan. Halimbawa, pag-isipan natin ang pahayag na ang kapatid ng tatay ko ay aking tiyuhin. Kung tama ang pahayag na ito batay sa kahulugan ng mga terminong nakapaloob dito, mukhang hindi na kailangan na hingian pa ito ng pangangatwiran upang mapatunayang totoo. Tinatawag ng mga pilosopo ang ganitong mga pahayag na "analitiko". Sa mas teknikal nitong kahulugan, analitiko ang isang pahayag kapag kalakip/tinataglay ng kaisipan ng pasimuno (subject) ang kaisipan ng panaguri (predicate). Sa ibinigay na halimbawa, taglay ng kaisipan na "kapatid ng tatay ko" (pasimuno) ang kaisipan na "tiyuhin" (panaguri). Di ganitong kapayak ang lahat ng pahayag na analitiko. Itinuturing na analitiko ang mga pahayag sa matematika.

May magkaiba namang mga pasimuno at mga panaguri ang mga pahayag na "sintetiko". Halimbawa, ang kapatid ng tatay ko ay sobra ang bigat. Maraming bagay ang maaaring sumobra sa timbang, hindi lang ang matabang kapatid ng tatay ko.

Bagamat nakita na ni David Hume ang ganitong uri ng kaisipan, mas naging malinaw ang pagkilala dito ni Kant, at binigyan ng pormal na anyo ni Frege. Isinulat ni Wittgenstein sa Tractatus na "walang kaisipang ipinapahayag" ang mga pahayag na analitiko. Ibig sabihin, wala itong bagong kaalaman na ibinibigay sa atin. Kaya, totoo man na hindi na kailangang bigyang-katwiran ang mga pahayag na analitiko, balewala din dahil wala tayong matututunan mula dito.

[baguhin] Mga Teoriya na Pang-Epistemolohiya

Karaniwan para sa mga teoriya na pang-epistemolohiya na iwasan ang iskeptisismo sa paggamit ng paraan ng Pundasyunalismo. Kaya, ipinapalagay nila na may mga pahayag na taglay ang kakaibang kahalagahang pang-epistemolohiya -- mga pahayag na hindi nangangailangan ng pagbibigay-katwiran. Maaari nating pagbukud-bukurin ang mga teoriya na pang-epistemolohiya ayon sa uri ng mga pahayag na pilit binibigyan ng kakaibang kahalagahan.

[baguhin] Rasyunalismo

Naniniwala ang mga Rasyunalista na may mga kaisipan na sa ganang sarili ay di matatagpuan sa karanasan. Nabibigyang-katwiran ang mga kaisipang ito na kahiwalay sa mga karanasan ng iba't ibang tao. May mga kaisipang hinahango sa mismong balangkas ng isipan ng tao o umiiral na kahiwalay ng ating isip. Kung may hiwalay itong pag-iral, mauunawaan lamang ito ng ating isip kung may taglay na tayong sapat na katalinuhan.

Si Cartesio (Descartes) ang pinakamahalagang halimbawa ng pananaw na rasyunalista, na nagsabing "Nag-iisip ako kaya umiiral ako"; isa itong paanyaya sa iskeptiko na tanggapin ang katotohanan na sa ginagawa niyang pag-aalinlangan, nangangahulugan na merong nag-aalinlangan. Hinango ni Spinoza mula sa sistema ng rasyunalista na meron lamang isang pinag-uugatang batayang-likas (substance), ang Diyos. Para naman sa sistema ni Leibniz di mabibilang sa dami ang mga pinag-uugatang batayang-likas, ang tinatawag niyang mga "monad".

[baguhin] Empirisismo

Para sa Empirisista, bunga ng karanasan ng tao ang kaaalaman. May mahalagang papel sa teoriya ng empirisismo ang mga pahayag ng pagmamasid. Pinanghahawakan ng "Payak na Emperisismo" (Naive empiricism) na kailangang suriin sa panukat ng realidad ang ating mga kaisipan at teoriya; at tanggapin o tanggihan ang mga pahayag batay sa "pagkakatugma" (pagiging kapwa-tugon) nito sa mga "patunay".

Maiuugnay natin sa agham ang empirisismo. Bagaman hindi natin maaaring pagdudahan ang pagkaepektibo ng agham, hindi pa rin natatapos ang debate sa pilosopiya tungkol sa paano at bakit nagtatagumpay ang agham. Minsan na sinang-ayunan ang paniniwala na dahil sa pamamaraang pang-agham kaya natagumpay ang agham, ngunit ang mga nagsusulputang mga tanong sa pilosopiya ng agham ang nagpapalakas sa koherentismo.

[baguhin] Payak na Realismo

"Payak na Realismo" (Naïve realism, Common-Sense realism) ang pinakatuwirang teoriya ng pagdama. Nakatatag ito sa ugnayang pangkasanhian, kung saan ang isang bagay na umiiral ang sanhi para makita natin ito. Kaya, maaari nating sundan ang ating pahayag, na nananatili ang daigdig sa kinalalagyan nito kapag nararamdaman natin ito – ibig sabihin, naroon pa rin ang silid kahit na umalis na tayo sa loob nito. Kabaligtaran naman ang solipsismo (na nagsasabing hindi maaaring umiral ang isang bagay kung walang nakakaramdaman dito). Marami ang nagsasabing may kahinaan ang pananaw na ito dahil sa napakaraming paraan kung paano nararamdaman ang isang bagay – sa pagpunta sa iba't ibang sulok ng isang silid, iba-iba rin ang makikitang hugis ng isang hapag.

[baguhin] May-Sagisag na Realismo

Hindi tulad ng "Payak na Realismo", pinapahalagahan ng "May-Sagisag na Realismo" ang mga isinasaad ng ating pandamdam (ang paraan kung paanong binibigyang-sagisag ang mga bagay, hindi lamang ang di nagbabagong bagay sa matematika). - ito ang nagpapagana sa talukbong ng pagdamdam, kung saan hindi natin matiyak kung talagang umiiral ang hapag na tinitingnan natin dahil walang obhetibong patunay sa pag-iral nito.

[baguhin] Idealismo

Pinaghahawakan ng Idealismo na ang tinutukoy natin at nararamdaman natin na panlabas na daigdig ay walang iba kundi ang ating bungang-isip. Halimbawa, walang kaugnayan sa panlabas na daigdig ang mga pahayag na analitiko tulad sa matematika, at itinuturing ang mga ito na magandang halimbawa ng mga pahayag sa kaalaman. Iba-iba ang naging mga pananaw na idealista nina George Berkeley, Immanuel Kant at Hegel.

[baguhin] Penomenalismo

Nagmula ang Penomenalismo sa pahayag ni George Berkeley na ang pag-iral ay ang kakayanang maramdaman. Ayon sa penomenalismo, kapag nakakakita tayo ng isang "punong-kahoy", ang nakikita natin ay ang nararamdamang kulay at hugis. Sa ganitong pananaw, hindi dapat ituring ang mga bagay na umiiral ayon sa kanilang kakaibang kakanyahan na nakikipagdaupang-palad sa ating pakiramdam; sa halip, masasabi nating ang talagang umiiral ay ang pagdamdam.


[baguhin] Mga Pamamaraan Ngayon

Batay sa dalawang uri, na pundasyunalismo at koherentismo, ang karamihan sa mga pag-aaral ngayon sa epistemolohiya.

Kailan lamang, sinikap ni Susan Haack na pagsamahin ang dalawang pamamaraang ito sa tinatawag niyang pundaherentalismo (foundherentalism), na binibigyan ng iba't ibang antas ng kaugnay na tiwala ang mga pahayag batay sa pagtatalaban ng dalawang pamamaraan. Matatagpuan ito sa kanyang aklat na "Evidence and Inquiry: Towards Reconstruction in Epistemology".

Tungkol sa paghula ng madalas mangyari ang reliabilismo. (Halimbawa, ang pagsasabi na kayang umingles ng isang tao ay maaaring patunayan ng isang nagsasalita ng Ingles. Dalawa ang paraan upang makapagbigay ng mapagkakatiwalaang pangagatwiran: Panlabas- (Mapagkakatiwalaan, hal. isang duktor na nagsusuri sa akin) at Panloob- (Di Mapagkakatiwalaan, hal. umaasa sa pakiramdam ng aking mga kasu-kasuan) Ngunit paano natin malalaman na tama ang isang mapagkakatiwalaan? Kapag may mali sa programa ng isang kompyuter, mapagkakatiwalaang hindi ito tama.

[baguhin] Basahin din

Matatagpuan sa seksyong ito ang iba pang may kaugnayang mga sulatin. (Patuloy na madaragdagan)

[baguhin] Nakaturo sa Panlabas

Static Wikipedia (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu -

Static Wikipedia 2007 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu -

Static Wikipedia 2006 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu

Static Wikipedia February 2008 (no images)

aa - ab - af - ak - als - am - an - ang - ar - arc - as - ast - av - ay - az - ba - bar - bat_smg - bcl - be - be_x_old - bg - bh - bi - bm - bn - bo - bpy - br - bs - bug - bxr - ca - cbk_zam - cdo - ce - ceb - ch - cho - chr - chy - co - cr - crh - cs - csb - cu - cv - cy - da - de - diq - dsb - dv - dz - ee - el - eml - en - eo - es - et - eu - ext - fa - ff - fi - fiu_vro - fj - fo - fr - frp - fur - fy - ga - gan - gd - gl - glk - gn - got - gu - gv - ha - hak - haw - he - hi - hif - ho - hr - hsb - ht - hu - hy - hz - ia - id - ie - ig - ii - ik - ilo - io - is - it - iu - ja - jbo - jv - ka - kaa - kab - kg - ki - kj - kk - kl - km - kn - ko - kr - ks - ksh - ku - kv - kw - ky - la - lad - lb - lbe - lg - li - lij - lmo - ln - lo - lt - lv - map_bms - mdf - mg - mh - mi - mk - ml - mn - mo - mr - mt - mus - my - myv - mzn - na - nah - nap - nds - nds_nl - ne - new - ng - nl - nn - no - nov - nrm - nv - ny - oc - om - or - os - pa - pag - pam - pap - pdc - pi - pih - pl - pms - ps - pt - qu - quality - rm - rmy - rn - ro - roa_rup - roa_tara - ru - rw - sa - sah - sc - scn - sco - sd - se - sg - sh - si - simple - sk - sl - sm - sn - so - sr - srn - ss - st - stq - su - sv - sw - szl - ta - te - tet - tg - th - ti - tk - tl - tlh - tn - to - tpi - tr - ts - tt - tum - tw - ty - udm - ug - uk - ur - uz - ve - vec - vi - vls - vo - wa - war - wo - wuu - xal - xh - yi - yo - za - zea - zh - zh_classical - zh_min_nan - zh_yue - zu