Cuneiform
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang cuneiform ang paraan ng pagsulat ng mga Sumerian. Sa simula, mga marka lamang itong makikita sa pagdiin sa mga luwad na tableta. Gumagamit ang mga iskriba (tagasulat sa templo) ng isang maliit na patpat na tinatawag na stylus. Hango ang cuneiform sa salitang Latin na cunneus o ang kombinasyon ng mga wedge na ginagamit na tanda nito. Hindi sa papel sumusulat ang mga Sumerian kundi sa tabletang luwad na ginagamitan ng stylus habang malambot. Pagkatapos, pinatutuyo ito sa araw hanggang sa tumigas.