Cariñosa
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Cariñosa ay isang uri ng panrarahuyong sayaw sa buong Kapuluan ng Pilipinas na may Hispanikong pinagmulan.
[baguhin] Galaw at indak
Ang isang babae ay may hawak na abaniko o panwelo kung saan siya'y patago-tago sa kanyang napupusuan na nagsasaad na ibig rin niya ang lalake subalit hindi pa niya ito masagot ng oo, samantalang gayon din ang binata na humahabol-habol at nagpapahiwatig na sinisinta rin niya ang dalaga. Ang sayaw na ito ay napakaraming bersyon subalit ang indak ng pagtataguan ay isang pangkaraniwan na sa kahit saan mang panig ng Pilipinas.