Baghdad
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
- Para sa ibang gamit, silipin ang Baghdad (paglilinaw).
Ang Baghdad (pinakamalapit na bigkas /bákh·dad/; Arabo: بغداد; Kurdi: Bexda) ay ang kapital ng Iraq at ng Baghdad Governorate. Ito ang ikalawang pinakamalaking lungsod sa Timog-kanlurang Asya pagkatapos ng Tehran at ang ikalwaang pinakamalaking lungsod sa mundo ng mga Arabo pagkatapos ng Cairo, at ang pinakamalaking lungsod sa Iraq, na may tinatayang populasyon na 5,772,000 noong 2003. Matatagpuan sa Ilog Tigris sa 33°20′ N 44°26′ E, dating sentro ng kabihasnang Islam ang lungsod.