Apoy
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
- Para sa ibang gamit, silipin ang Apoy (paglilinaw).
Ang apoy[1], isang uri ng kombustyon, ay isang reaksyong kimikal, kinakasangkutan ng dalawa o higit pa na mga kimikal kung saan handang magkaroon ng reaksyon ang mga molekula sa bawat isa upang makabuo ng karadagang mga kimikal. Kadalasang kulay kahel, maiinit at mausok ito. Hindi katayuan ng materya ang apoy: sa halip, ito ang proseso ng eksotermikong oksidasyon na kung saan binibigay ang enerhiya ng init at liwanag. Nagsisimula ang apoy kapag ang panggatong na may sapat na panustos ng oksihena o ibang oksidiser ay nagkaroon ng sapat na init, at napapanatili sa proseso ng patuloy na pagpapalabas ng enerhiya ng init, gayon din ang patuloy na panustos ng oksihena at panggatong na may kombustyon. Kadalasang pinasisimulan ang isang apoy ng isang palito ng posporo o layter na pinapalaganap ang ibang mga bagay na may kombustyon dahil dinisenyo ang mga palito ng posporo at mga layter na may mga materyal na may mababang puntos ng pagkasunog. Napapatay ang apoy kapag natanggal ang isa o higit na mga elemento ng init, oksidiser, o panggatong; ginagamit ang konsepto na ito sa tatsulok ng apoy. Tinatawag na abo ang mga natirang hindi nasusunog na solido.
Hinhatid ang isang dila ng apoy o ningas ang kuryente, habang ginawang may iono ang isang maliit na bahagi ng kahit anong apoy. Namasid ito sa isang laboratoryo at gayon din sa malalaking mga sunog o wildfire na nagaganap sa tabi ng mga linya ng kuryente. Bahagiang nauukol sa katangiang plasma nito ang kakayahan maghatid ng kuryunte ang isang ningas.
[baguhin] Saan nagsimula
Hindi natin alam kung kailan nadiskubre ang apoy. Maraming mga teoriya na nagsasabing sa kidlat ito unang nakita.