Tessie Agana
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tessie Agana | |
---|---|
Kapanganakan | 1943 |
Si Tessie Agana ay isang artistang Pilipino. Nag-umpisa siyang lumabas sa pelikula noong bata pa siya. Unang pelikula niya ang Roberta sa ilalim ng Sampaguita Pictures.
Noong 1954, umalis siya sa Sampaguita Pictures upang gumawa ng sariling kompanya, ang Alta Pictures. Dito ginawa niya ang mga pelikulang Kung Ako'y Maging Dalaga at At sa Wakas. Ang pelikulang Baril O Araro ng Filipiniana Pictures ang kanyang huling pelikula bago namahinga sa paggawa ng pelikula.
Noong 1960, bumalik si Agana sa Sampaguita Pictures upang gawin ang pelikulang Amy, Susie & Tessie kasama nina Amalia Fuentes at Susan Roces at katambal si Jose Mari.
[baguhin] Pelikula
- 1950 - 13 Hakbang
- 1950 - Kay Ganda mo Neneng
- 1951 - Kasaysayan ni Dr. Ramon Selga
- 1951 - Roberta
- 1951 - Anghel ng Pag-ibig
- 1951 - Ang Prinsesa at ang Pulubi
- 1951 - Batas ng Daigdig
- 1952 - Rebecca
- 1952 - Kerubin
- 1952 - Ulila ng Bataan
- 1953 - Munting Koronel
- 1953 - Anak ng Espada
- 1954 - Nagkita si Kerubin at si Tulisang Pugot
- 1954 - Kung Ako'y Maging Dalaga
- 1954 - At sa Wakas
- 1955 - Baril O Araro?
- 1960 - Amy, Susie & Tessie
- 1961 - Love at First Sight