Taong bisyesto
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang taong bisyesto (sa Ingles: leap year) ay ang taon na naglalaman ng karagdagang araw o buwan upang makahabol sa kalendaryong taon na kasabay ng isang astronomikal o pana-panahong taon. Hindi umuulit ang eksaktong bilang ng mga araw sa mga pangyayari sa panahon at astronomiya, dahil dito ang isang kalendaryo na may parehong bilang ng mga araw sa bawat taon ay aanod palayo sa aktwal na pangyayari na sinusundan nito. Naitatama ito sa pamamagitan ng paminsan-minsang pagpasok (o interkalasyon) ng isang karagdagang araw o buwan sa taon.
Hindi dapat ipagkamali ang taong bisyesto (na hinahabol ang kalendaryo upang tumama sa taon) sa segundong bisyesto (na hinahabol ang oras upang tumama sa araw).