Simbang gabi
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulo (o seksyon) na ito ay maaring nangangailan ng pag-wikify upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito, lalo na sa pambungad, kaayusan ng mga seksyon, at mga kaugnay na kawing paloob. (tulong) (Pebrero 2008) |
Ang Simbang gabi ay isang kaugalian sa Pilipinas tuwing panahon ng Kapaskuhan. Ito ay tinatawag ding Misa de Gallo (Misa ng Tandang) sa mga bansang nagsasalita ng Kastila.Ang simbang gabi ay nagsisimula tuwing ika-16 ng Disyembre hanggang ika-24 ng Disyembre. Ito ay kadalasang sinasagawa tuwing madaling araw sa mga simbahan sa Pilipinas, kadalasang nasa 4:00 N.U. hanggang 5:00 N.U.
Nagsimula ang kaugaliang ito noong panahong ng kolonyalismong Kastila. Ang mga pari ay nagsasagawa ng mga pang-madaling araw na misa para sa mga magsasaka ng nais dumalo ng misa tuwing pasko ngunit hindi maaaring maiwan ang sakahan. Ito ay kadalasang sinasagawa tuwing hatinggabi, kaya't binansagang itong Simbang gabi ng mga Pilipino. Hanggang ngayon, Ang mga Pilipino ay gumigising tuwing madaling araw para dumalo sa Misa upang ipakita ang kanilang malalim na pananampalataya sa Panginoon.
Isa sa mga kasanayan na may kaugnayan sa Misa de Gallo o Simbang gabi ay ang pagtitinda ng mga pagkaing Pilipin, tulad ng puto bumbong(kulay ube na gawa sa malagkit, nilalagyan ng niyog at ng asukal na pula), tsokolate, bibingka, at salabat, na itinitinda sa tapat ng simbahan para sa mga dumalo ng misa.
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Marso 2007)
|