Mga wika sa Pilipinas
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulo (o seksyon) na ito ay maaring nangangailan ng pag-wikify upang matugunan ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia. Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito, lalo na sa pambungad, kaayusan ng mga seksyon, at mga kaugnay na kawing paloob. (tulong) (Pebrero 2008) |
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong mundo. Maliban sa pambansang wika na Filipino at mahigit sa isan-daang(100) katutubong wika, sinasalita rin sa bansang ito ang mga wikang banyaga tulad ng English, Madarin, Fookien, Cantonese, Kastila o Spanish at Arabo.
Ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga wika na kung tawagin ay mga Wikang Austronesyo (Austronesian Languages). Ang mga ito ay ang grupo ng mga wika na ginagamit ng mga tao mula sa Tangway ng Malayo (Malayan Peninsula) hanggang sa mga bansang sakop ng Polynesia.
Tinatayang ito ang pinakamalaking pamilya ng mga wika sa buong mundo. Ngunit bagamat mas maraming wika ang kasapi ng pamilyang ito, maliliit lamang ang mga populasyon ng mga taong nagsasalita nito.
Sa mga katutubong wika sa Pilipinas, pangunahin ang mga sumusunod:
- Filipino: Ang pangunahing wika sa bansa. Ito ay batay sa Tagalog at lahat ng mga umiiral na wika sa Pilipinas.
- Tagalog:Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Katimugang bahagi ng Luzon. Sinasalita ng 24% ng kabuuang Populasyon ng mga Pilipino. Kalimitang ginagamit sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Bataan, Batangas, Rizal, Quezon,(kilala rin sa tawag na CALABARZON). Ginagamit rin ito sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan(kilala rin sa tawag na MIMAROPRA). Ito rin ang pangunahing wika ng Pambansang Punong Rehiyon na siyang kabisera ng bansa.
- Ilocano: Kilala rin sa tawag na Iloko. Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Hilangang Luzon. Gamit sa Rehiyon 1 at 2.
- Kapampangan: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Gitnang Luzon.
- Bikolano: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Timog-Silangan ng Luzon.
- Cebuano: Tinatawag ding Bisaya. Pangunahing wika ng Lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol at malaking bahagi ng Mindanao. Tinatayang sinasalita ng 27% ng kabuuang populasyon ng bansa.
- Hiligaynon: Tinatawag ding Ilonggo. Gamit sa mga lalawigan sa isla ng Panay.
- Waray: Gamit sa mga lalawigan sa isla ng Samar at Leyte.
Mga nilalaman |
[baguhin] Pambansang wika ng Pilipinas
Ayon sa Konstitusyon ng Pilipinas:
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon.
Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles, at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.
Dapat magtatag ng Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili.
[baguhin] Tala ng mga wika sa Pilipinas
Mayroong 175 wika sa Pilipinas, 171 sa mga ito ang buhay o ginagamit pa at 4 naman ang maituturing nang patay na wika.
[baguhin] Mga buhay na wika
Ang mga sumusunod ang 175 wika sa Pilipinas:
- Agta (Alabat Island)
- Agta (Camarines Norte)
- Agta (Casiguran Dumagat)
- Agta (Central Cagayan)
- Agta (Dupaninan)
- Agta (Isarog)
- Agta (Mt. Iraya)
- Agta (Mt. Iriga)
- Agta (Remontado)
- Agta (Umiray Dumaget)
- Agutaynen
- Aklanon
- Alangan
- Alta (Northern)
- Alta (Southern)
- Arta
- Ata
- Ati
- Atta (Faire)
- Atta (Pamplona)
- Atta (Pudtol)
- Ayta (Abenlen)
- Ayta (Ambala)
- Ayta (Bataan)
- Ayta (Mag-Anchi)
- Ayta (Mag-Indi)
- Ayta (Sorsogon)
- Balangao
- Balangingi
- Bantoanon
- Batak
- Bicolano (Albay)
- Bicolano (Central)
- Bicolano (Iriga)
- Bicolano (Hilagang Catanduanes)
- Bicolano (Timog Catanduanes)
- Binukid
- Blaan (Koronadal)
- Blaan (Sarangani)
- Bolinao
- Bontoc (Central)
- Buhid
- Butuanon
- Caluyanun
- Capampangan
- Capiznon
- Cebuano
- Cuyonon
- Davawenyo
- Ingles
- Español
- Filipino
- Finallig
- Ga'dang
- Gaddang
- Giangan
- Hanunoo
- Higaonon
- Hiligaynon
- Ibaloi
- Ibanag
- Ibatan
- Ifugao (Amganad)
- Ifugao (Batad)
- Ifugao (Mayoyao)
- Ifugao (Tuwali)
- Iloko
- Ilongot
- Inabaknon
- Inonhan
- Intsik (Mandarin)
- Intsik (Min Nan)
- Intsik (Yue)
- Iraya
- Isinai
- Isnag
- Itawit
- Itneg (Adasen)
- Itneg (Banao)
- Itneg (Binongan)
- Itneg (Inlaod)
- Itneg (Maeng)
- Itneg (Masadiit)
- Itneg (Moyadan)
- Ivatan
- I-wak
- Kagayanen
- Kalagan
- Kalagan (Kagan)
- Kalagan (Tagakaulu)
- Kalinga (Butbut)
- Kalinga (Limos)
- Kalinga (Lower Tanudan)
- Kalinga (Lubuagan)
- Kalinga (Mabaka Valley)
- Kalinga (Madukayang)
- Kalinga (Southern)
- Kalinga (Upper Tanudan)
- Kallahan (Kayapa)
- Kallahan (Keley-i)
- Kallahan (Tinoc)
- Kamayo
- Kankanaey
- Kankanay (Northern)
- Karao
- Karolanos
- Kasiguranin
- Kinaray-a
- Magahat
- Maguindanao
- Malaynon
- Mamanwa
- Mandaya (Cataelano)
- Mandaya (Karaga)
- Mandaya (Sangab)
- Manobo (Agusan)
- Manobo (Ata)
- Manobo (Cinamiguin)
- Manobo (Cotabato)
- Manobo (Dibabawon)
- Manobo (Ilianen)
- Manobo (Matigsalug)
- Manobo (Obo)
- Manobo (Rajah Kabunsuwan)
- Manobo (Sarangani)
- Manobo (Kanlurang Bukidnon)
- Mansaka
- Mapun
- Maranao
- Masbatenyo
- Molbog
- Palawano (Brooke's Point)
- Palawano (Central)
- Palawano (Southwest)
- Pangasinense
- Paranan
- Philippine Sign Language
- Porohanon
- Ratagnon
- Romblomanon
- Sama (Central)
- Sama (Pangutaran)
- Sama (Southern)
- Sambal
- Sangil
- Sexists
- Sorsogon (Masbate)
- Sorsogon (Waray)
- Subanen (Central)
- Subanen (Northern)
- Subanon (Kolibugan)
- Subanon (Western)
- Subanon (Lapuyan)
- Sulod
- Surigaonon
- Tadyawan
- Tagabawa
- Tagalog
- Tagbanwa
- Tagbanwa (Calamian)
- Tagbanwa (Central)
- Tausug
- Tawbuid (Eastern)
- Tawbuid (Western)
- Tboli
- Tiruray
- Waray-Waray
- Yakan
- Yogad
- Zamboangueño | Chavacano(Chabacano de Zamboanga)
- Caviteño | Chavacano(Chabacano de Cavite)
- Ternateño | Chavacano(Chabacano)
- Ermiteño | Chavacano(Chabacano)
[baguhin] Mga patay na wika
- Agta (Dicamay)
- Agta (Villa Viciosa)
- Ayta (Tayabas)
- Katabaga